Entry #6 Tagu-taguan

19 1 0
                                    

Tagu taguan

Tagu taguan,
Maliwanag ang buwan,
Pagkabilang ng sampu,
Ay magtago na kayo!

Isa, tayo'y nag-usap at nagkakilala
Bigla akong napahanga,
Sobrang napahanga sa taglay mong kakaiba,
Kaya tuloy sabi ng puso ko, ikaw na.

Dalawa, tuluyan na akong kinain ng sistema,
Para akong adik, at ikaw ang aking droga
Takbo ka ng takbo sa isip ko,
Kaya heto ako ngayon, hilo.

Tatlo, tuluyan na akong bumigay,
At ngayo'y nalulumbay,
Hindi mapalagay at makatulog,
Baka walang sumalo kapag ako'y nahulog

Apat, paano kaya kapag naging tayo?
Hindi ko maipaliwanag ang saya kapag nangyari ito,
Pero paano ito mangyayari,
Kung hindi ko masabi?

Lima, gusto kita
Mga salitang gustong sabihin ng aking bibig,
At gustong kumawala sa aking isip,
Ngunit paano ko maipaparating ang mensaheng ito,
Kung takot at kaba ang nararamdaman ng puso ko.

Anim, napabuntong ako ng hininga
Siguro naman hindi ka tanga,
Para hindi maramdaman na gusto kita

Pito, alam ko na alam nating dalawa,
Ang nararamdaman natin para sa isa't isa,
'Wag mo sana akong pinapaasa,
Kung ituring mo kasi ako, para akong prinsesa.

Walo, malabo.
Ang sitwasyong ito ay mas malabo pa sa mata ko.
Daig pa ng picture na blur ang kung ano ba ang meron tayo.

Siyam, hindi na tayo bata para maglaro,
Larong tagu-taguan na mapusok at delikado,
Kailangan ata dito walang puso at beterano,
Kahit na feelings mo ang nakataya dito
Kaso hindi,
Kung sino ang mahuli, siya ang talo.

Sampu, at kung sino ang taya, siya ang panalo.
Namimili ng bibiktimahin,
At kunwari'y iibigin,
Yun pala ay papaasahin at paiiyakin,
Minahal kita, kung tutuusin,
Pero mas pinili mo na paglaruan ang aking damdamin,
Pag ibig na akala ko at ikaw na,
Pero dahil sa larong tagu-taguan ay hindi pa pala.

My Works ( Spoken Words, Short Story etc.)Where stories live. Discover now