'TAYO'
'TAYO' ang salitang nag uugnay sa akin at sa'yo
Na kumbaga Ikaw at Ako
Na kailanman ay Hindi magkakatotoo
Minsan naisip ko na sabihin sa'yo na gusto kita
Kaso 'wag nalang, kasi alam ko na ang dahilan
At kahit alam ko na, heto pa din ako UMAASA.
Oo, ako na. Ako na Ang umaasang pwede pa.
Na kahit alam ko na, na may gusto ka sa iba.
At letse! Sa kaibigan ko pa
Diba ang sakit?
Yung tipong ano bang meron sa kanya na wala sa akin
Na nagkagusto ka sa kanya at Hindi sa akin
Na dahil dito Hindi pwede ang salitang 'TAYO'
Na minsan ko na nga lang hinangad pero Hindi pa din magkakatotoo O'sige na nga!
Ititigil ko na 'tong dramang 'to
Sa tuwing iniisip kita, bumabalik sa isipan ko ang masasayang alaala, na pinagsaluhan nating dalawa Yung tipong 'TAYO' lang dalawa.
Pero ngayon sa iba ka na masaya
At sa babaeng 'yon pa
Dapat talaga ako 'yon eh
Na dapat ako ang babaeng kasama mo ngayon
Na babaeng binibigyan mo ng atensyon
Na babaeng pinapahalagahan mo
At higit sa lahat, ako dapat ang babaeng mahal mo.
Pero paano nga ito mangyayari kung wala ngang 'TAYO'
'TAYO' sa aking imahinasyon
Na napunta sa walang kwentang ilusyon
Na dapat 'TAYO' ay magkarelasyon
Ngunit hindi,
Dahil Hindi tayo itinadhana ng panahon.-Laraxxiii
YOU ARE READING
My Works ( Spoken Words, Short Story etc.)
AcakMy Works ( Spoken Words, Short Story etc.)