Dagat (One shot story)

5 0 0
                                    

※ ∂ α g α т ※

Masaya akong tumakbo papalit sayo at agad akong umupo sa tabi mo. Nakaupo tayo ngayon sa mga buhangin ng dagat dito at tanaw na tanaw ang ganda nito.

"hmm, ang aga mo namang magising love?" tanong ko sayo.

"Inaabangan ko kasi yung sunrise love." sagot mo naman at sabay ngiti sa akin.

"Eh bakit 'di mo ako ginising?" napanguso ako at agad mo naman itong napansin dahilan para akbayan mo ako niyakap naman kita.

"Ayaw kitang istorbohin sa tulog mo love, you should rest pa love." sambit mo at hinalikan mo ako sa noo ko.

"Hmm, ang sariwa ng hangin dito love ano?" sabi ko.

"tahimik at mapayapa." napatingin ako sayo nang bigla kang pumikit na para bang dinadama ang sariwang hangin at pinapakiramdaman ang mga tunog ng mga nagsisikaliskisan na mga dahon at ang tunog ng alon.
Napangiti ako at dahil doon ay hinalikan kita sa pisngi mo.

"tapos love, ang ganda nang tanawin dito ano?" sabi ko habang inaappreciate ang ganda ng dagat.

"Ang ganda nga..." napatingin naman ako sayo kasi ramdam ko na sa akin ka nakatingin.

"Eh sa akin ka naman nakatingin eh, 'di sa dagat." napabuntong hininga naman ako.

"You are way more beautiful to stare at than the sea, love." sabi mo at 'di ko napigilan na hindi mapangiti. kinilig ako, Oo, eh galing sa taong mahal ko eh. Cliché man yan. Mahina kitang hinampas sa braso mo at hinigpitan ko ang yakap sayo.

"Eh kaso love, madaya ang dagat." napakalas ako sa yakap ko sayo at agad akong napayuko.

"Wala siyang pinapatos."
"Mahal kita love..."
"kahit sino, di sinasanto..."
"Mahal kita love, 'wag mong papabayaan yung sarili mo ha? Always remember that i love you so much, and i will always be here for you..."

"pati ikaw..." at tuluyan nang nagsipatak ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala. Ang sakit.

"Mariaaaa!" napalingon ako at bigla na lang may yumakap sa akin.

"Andito ka na naman pala." Oo nandito ako kung saan huli tayong nagkasama. 'di ko na napigilan na 'di umiyak at mas lalo pang tumulo ang luha ko sa narinig ko.

"Wala na siya maria, dalawang taon na."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Works ( Spoken Words, Short Story etc.)Where stories live. Discover now