Prologue:
“My last name is Trouble Maker. Binansagang reyna ng mga talunan at palpak. Simpleng mamayanan na nabubuhay sa mundong ibabaw. Nangangarap na sana dumating na ang aking matagal na hinihintay. Matagal na makasama hanggang sa ako ay kunin na ng maykapal. Mawala na dito sa mundong ibabaw. Magkakaroon ng masayang pamilya at mabungisngis na mga anak. Akala ko na tagpuan ko na siya. Akala ko siya na. Akala ko hanggang sa pagtanda siya ang makakasama ko at siya din ang magiging ama ng aking magiging mga anak. Pero masarap mag mura. Murahin ang batang walang saplot na tanging dayaper at pana lang ang meron. Yung mainlove ka sa maling tao na akala mo talaga na siya na. Marami nga talagang nagkakamali sa “AKALA” at maari ikamatay mo pa. Masaya na, kaso baket? Baket ang mga tao sa paligid ko ay niloloko ako? Sino ba talaga ang totoo saaken at ang hindi?
Ayaw ko ng mainlove. Gusto ko na maging bato ang puso ko. Ayaw ko na maging isang tanga ulit na sa huli ay lolokohin lang ako. Gusto ko na maging si Sisa. Ang magkaiba lang ay binaliw ako ng pagmamahal at binaliw sa pag-ibig na buong akala ko ay para saaken. Hindi nalang ba pwedeng sabihin mo lang sa kanya na mahal mo siya ay magiging mahal ka na rin niya? Mahirap ! Sobrang hirap. Hindi kasi natin nadidiktahan ang ating puso na mainlove kaagad. Ako, niloko ako ng aking malalapit na kaibigan kasama na ang aking ibang kamag-anak. Sa pagkakataon na ito, gusto ko na ibaon sa hukay ang pagmamahal na minsang pinaglaban pero hindi itinadhana. Sana, tuluyan ko ng malimot ngayon sa oagdating ko dito sa pilipinas”
"Flight 1000029992 are already landed in Naia International Airport here in Philippines.Mabuhay "
Napagising ako at narinig ko na nag announce na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan ko. Nandito ako naka VIP yung feeling na malayo sa mga taong maiingay. Nasa Class A ako. Nakakakilabot yung panaginip ko. Parang Unti unting nagfa-flashback.
"Okay ka lang Ms,Raven?" nag-aalalang tanong saaken ng aking P.A na si Ashley. Filipina ang P.A ko dahl mahirap na.
"Yes Im Fine." Tapos bigla na akong tumayo at pinabuhat ko na yung extra bag na dala ko sa kanya kung saan nandun ang mga personal hygiene ko. At agad agad pumila pababa.
"Ms. Raven mag shades po kayo for sure nag aabang na ang mga media and also your fans." bigla niyang inabot saaken ang Gucci kong shades at lumabas na. Mayroon ba akong fans? For my own info parang meron. Pagbaba ko ng eroplano ay agad akong hinawakan ng isang lalake at binigay ko naman yung kamay ko hanggang makababa na ako. At dire-diretso na ako para lumabas.
"Hi Ms. Raveeeeeeen !"" May isa akong nakitang mga fans na may banner na hawak at nakalagay yung mga pictures ko at nakalagay "Ravenatics" . Ngumiti naman ako sa kanila at kumaway.
At yung P.A ko na ang bahala sa iba pang kailangan asikasuhin at lumabas kagad para abangan ako doon sa labas at ng mayroon ng kotse na sasakyan. At nagpatawag sila ng mga security guard para mag-alalay saaken.
-----
Puro click ng camera ang halos makikita mo, nahihilo na nga ako. Hindi ko nga matandaan ang mga ibang tanong nila. Buti nalang naka shades ako. Nandito kami sa labas ng airport at nandito rin ang mga reporters na iniinterview ako. Kakauwi ko lang galing Paris.
“Eh, Ms. Raven, may nainlove po ba sa inyo?”- tanong saaken ng isang babaeng reporter. Ito lang ang mga naaalala ko. At nagulat ako ng ito yung mga tinatanong.
“Oo nga Ms.Navarro meron ba?” – segunda naman ng isang reporter. Napatawa na lang ako sa kanila. Syempre kailangan ko sagutin ang mga tanong dahil ganun ako.
“Hindi ko alam, nalilito ako. Sinabi niya saaken na mahal niya daw ako.” – maikling sagot ko sa tanong nila.
“Ms. Raven sino po ba siya?” - tanong ulit saaken.
“Haha.. Wag na natin alamin ang pangalan. Bibigyan ko nalang kayo ng clue. Siya ang nagbansag saakeng Trouble Maker ” – at sinabi ng iba swerte daw yun, Sus ! kung alam lang nila na sobra ko yung kinaiinisan. Kung alam lang nila. Pero past is past na. Ayaw ko na. Worst enemy ko na siya. Move on ang kailangan.
Nakita ko ang aking P.A at binulong na kailangan ko na sumakay sa van papuntang condo. Nagpaalam na ako sa mga reporter. May kaunting nagpapirma at tuluyan na akong sumakay sa van.
“Ms.Raven may nagpapabigay po sa inyo” inabot saken ni Shine yung sunflowers na nakabasket. Kanino kaya galing to? Tiningnan ko yung card at ang nakasulat
“Welcome Home in the Philippines ! Im your hero, forever “ sino kaya to? Hays. Siguro isa nanamang fans ko. Na appreciate ko.
Marami na palang nagbago dito? Ha ! Tanga ko. Syempre 2 years akong nawala. Kamusta na kaya si--- Hays. Move.On Hershey.Este Raven. Move on ! Kalimutan mo na ang lahat ! Everthing has changed
-----
BINABASA MO ANG
Nalilito [ On-Hold ]
RomanceIn my life: I've lost, I've hurt, I've lived, I've loved, I've missed, I've trusted, I've made mistakes,but most of all, I've learned. © Misisgalaxy Stories || WITH SOFT COPY || Nalilito is the Title