Kabanata 8- Maganda?

35 2 0
                                    

A/N: Any grammatical error  ay wag niyo ng punan.

--

"Ibaba mo nga ako !" sinisigawan ko sila sa harapan. 

"Fvck ! Just shut your mouth.Your freakin' annoying" Sinisigawan ako nung driver na inglishero na habang nagdrive siya. Ano bang masama sa nagmamaktol? Malay mo ire-rape nila ako. Paano na yung feature ko.

"Tumigil ka na nga diyan ms.trouble maker !" isa pa tong Stanley na panget. Siya pa talaga ang nagpasimuno. Siya ang master mind nito. Tapos makukulong siya ng habang buhay dahil sa gagawin nila saaken na hindi kaaya-aya.

"Ibaba niyo kasi ako !" tapos pinagpapalo ko yung driver para mabuksan lang itong pinto. Ayoko talaga. AYAW ! AYAW ko ibigay yung puri ko sa kanilang dalawa.

"Wala namang kaming gagawing masama sayo ! Sa tingin mo may magnanasa diyan sa katawan mong ubod ng payat? At diyan din sa mala flat chested mong cleavage" Napahawak ako sa cleavage ko ano bang masama kung flat ako?  Nakakapanlait siya ah ! Tengene ! Paano.. Paano..

"P-pero paano? P-paano yung date namin ni Steven ?" Umakting ako na parang umiiyak. Mukha naman nataranta si Stanley. Kumuha siya ng tissue at binigay saaken. Pero, hindi ko tinatanggap to. Oo, nga paano? Paano yung date namin ni steven?

Nagmukmok ako sa loob. Hindi ko sila pinapansin. Nagdadasal nalang ako sa maykapal na kung sakaling may mangyaring masama saaken at mahuhuli silang dalawa at pagbabayarin sa gagawin nila saaken.

Bigla silang lumiko. Yan na ! Kinakagat ko na yung labi ko. Di katulad kanina. Diretso-diretso lang. (Sa pagkakaalam ko). Yan na ! Todo dasal na ako. Kahit labag sa kalooban tatanggapin ko. Kung ito man ay tadhana ko na. Pumikit nalang ako. Hindi ko kayang tingnan kung saang lugar man nila ako dalhin. Ayoko na talaga. Tapos naririnig ko silang tumatawa ng malakas -_-

 

 

Kayo na pong bahala kung saan man ako mapupunta. Basta alam ko naging mabait po ako.

Nararamdaman ko din na lumiliko liko ang sasakyan. At naramdaman ko din na huminto ito. Nanginginig na ako. Ito na ba? Ito na ba?

Binuksan nila yung pinto sa may gilid ko. Naririnig ko pang tumatawa si Stanley nakakakilabot. Tapos bigla niya hinawakan yung kamay ko.

"Kyaaaah !" sumisigaw ako dahil sa paghawak niya. Hindi ako lumabas ng kotse. Pero binuksan naman nung inglesherong driver yung pinto sa kabilang side, Corner na ako -_-

"Got ya'" Sinabi nung driver ng mahawakan yung kamay ko. Masyadong malakas ang pagkakahawak sniya saaken kaya nababa niya ako sa kotse. Nagpupumiglas ako sa kanilang dalawa. Oo ! Dalawa na silang humahawak sa Kamay ko. 

"Mga Iho ! Baka nasasaktan yung babaeng hawak niyo" May narinig akong isang matandang boses na nakakita saamen.

Nalilito [ On-Hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon