Kabanata 9.1-

24 2 0
                                        

Hi ☺ 

--


Akala ko kung ano na. Yun pala meeting lang ng mag-oorganize. Oo, totoo kayo ng narinig isang pusang MEETING lang pala sa preparation ng foundation week. At kinikilabutan talaga ako bago  mangyari ang isang meeting. At worst, hindi pala kami magde-date ni Steven panira moment kasi si Stanley hindi man lang sinabi kung anong klaseng event ang pupuntahan namin. Pinahiya niya din ako doon sa mga taong nasa loob. 

[flashback]

"Let me go ! Let me go ! Heeeeel---" 

"Wow ! Marunong ka palang mag english Hershey !" pagputol ni Stanley sa pagsigaw ko. Nandito kasi ako sa kotse at sila ay nasa labas. Naka-park kami. Tapos hinihila hila nila akong dalawa. 

"Eh, ga*u ka pala eh ! Pakawalan MO nga ang AKING magagandang balat !" bigla siyang tumawa saakin at binitawan ang kamay ko dahil totoo naman na hinahawakan niya yung balat ko may germs kaya siya. At ng tinanggal niya ito namula yung kamay ko. Kainis siya.

"Aray ko ! Dahan-dahan ka naman !" 

"Wow ! Hindi mo naman sinabi eh." tinaasan ko naman siya ng kilay. 

"Ano baba ka o baba ka?" tanong niya saakin, Umirap naman ako

"Wow ha ! parang andaming choices ah !" sarcastic na sagot ko sa kanya.

"Oy ! Unang una akin lang ang salitang WOW---"

"Edi sayo Lamuni---"

"First of all wag kang bastos dahil ako ang unang nagsalita sayo kaya PAKINGGAN mo ako." - Halatang nagpipigil siya ng galit o inis niya saakin.

"Edi go -- Magsalita ka na...." naka-cross arm pa ako. At ito siya magsasalita na.

"Unang una akin lang ang salitang WOW ."

"eh, inulit mo lang eh"- ako

"Pwede ba patapusin mo ako?" tapos nagsign ako na *Go-magsalita-ka-na*

"At pangalawa wala ka naman talagang choice eh, kung di bumaba" daming satsat nito.

"At pangatlo buti pa at pinagtyatyagaan kita diyan."

"Oh!? Tapos ka na?" Um-oo naman siya saakin.... "Okay kung yan ang pinuputok ng buchi mo edi ako din may paparemind sayo.. Una, wala akong paki kung sayo yung salitang WOW edi isaksak mo sa baga mo. Pangalawa, may choice ako. Gusto mo sampolan kita? At pangatlo. Pinipilit ba kita pagtyagaan ako ? As if naman na CLOSE tayo !"

Nakakaasar siya promise. Kaya ko naman i-handle sarili ko sa pagpunta sa date namin ni Steven. Kahit na hindi sinasabi ng diretso ng lalaking yun na gusto niyang makipagdate saakin pero alam ko yun talaga yun. Nang tingnan ko si Stanley at ayun nanahimik at tiningnan ko si John nagkibit-balikat lang kaya ang ginawa ko ay lumabas na ako ng kotse at inalalayan ako ni John bumaba ng kotse as if naman si Stanley ang mag-alalay saakin baka mamaya itapon kaagad ako niyan eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nalilito [ On-Hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon