Amber's POV:
Kinusot ko ang aking mga mata bago dumilat, inaantok pa 'ko.. pero napaka-ingay sa labas ng kwarto ko. Pinilit kong umupo pero mabigat ang aking katawan, siguro napagod ako kahapon. Bumalik ako sa pagkakahiga at muling ipinikit ang aking mga mata. BAHALA NA KUNG MAINGAY!
"You want to try it with me, baby?", ha? Ano 'to?
"I promise, you won't feel any pain." Fuck? Biglang nagflashback sa utak ko yung nangyari kagabi!
"You want to try it with me, baby?", waaaahhhhhhhhhh!!!!!!! Sheeeeet! Tama na, ano ba 'to. Ang init!! "I promise, you won't feel any pain."
"You want to try it with me, baby? I promise, you won't feel any pain."
"You want to try it with me, baby? I promise, you won't feel any pain."
"You want to try it with me, baby? I promise, you won't feel any pain."
"You want to try it with me, baby? I promise, you won't feel any pain."
"You want to try it with me, baby? I promise, you won't feel any pain."
ARRRRRRRGGGHHHHH!!!!! PERVERT!! Napabalikwas ako mula sa kama, jusko what's with you, Amber? Huwag mong sabihin na gusto mo 'yung sinabi niya. Oh my God, ang init. Naiisip ko ba talaga si Anthony? No! Need ko lang uminom ng cold water. Tama, tama.. nauuhaw lang ako. Mawawala din 'to.
Unti-unti kong binuksan ang pintuan upang kumuha ng maiinom, napakaingay talaga, ganito ba 'tong lalaki na 'to? Ang aga magpatugtog ng malakas, nakakahiya. Sumilip muna ako kung nando'n siya sa labas, nang biglang may kumalabit sa balikat 'ko.
"You won't feel any pain!!!!!" Nasabi ko dahil sa pagkagulat. Hala!! Amber, bakit mo sinabi 'yon????? Binuksan ko yung pintuan at nagmadaling lumabas at pumunta sa fridge. Kumuha ako ng malamig na tubig saka ininom yon ng dire-diretso.
"Uhaw na uhaw, ah? Sabagay, nakakauhaw nga naman yung iniisip mo. Grabe, Amber... maaga pa." sabay kindat nito sa akin. Tinapunan ko lamang ito ng tingin at naglakad ulit ng mabilis papunta sa aking kwarto. Jusko naman, bakit kasi yun pa ang lumabas sa bibig ko. Pinalo-palo ko ang aking bibig dala ng pagkadismaya. *tok-tok*
"What? Anong kailangan mo? Busy ako." Sigaw ko sa tapat ng pintuan.
"Busy kakaisip sa'kin? Easy ka lang...hahahahhahahahaha" narinig kong tawa nito. Binuksan ko ang pintuan nang pagkalakas-lakas sa sobrang inis ko, at nakita ko si Anthony na napaupo dahil sa natamaan siya ng pinto. Hmmmm, buti nga sa'yo sa isip isip ko, manyakis. Bakit nga naman ako magpapaapekto sa mayabang na ito? Duh?? Amber Rosberg!
"Ano kasing ginagawa mo dyan sa tapat ng pintuan? Tinamaan ka tuloy." Sigaw ko dito, pero nakayuko lamang siya at hindi kumikibo. Baka nasaktan siya? Napasobra yata ako... umupo ako sa harapan niya...
"Are you okay? Masakit ba talaga?" Hindi pa din ito umiimik. Mukhang nasaktan ko talaga. Hahayaan ko na lang siya, di naman siya kailangan dalhin sa hospital. Mukhang nagbibiro na naman. Patayo na ako nang hablutin nito ang kanang kamay ko. Napaupo akong muli sa harapan niya but this time eh kaunti na lang ang pagitan ang mga mukha namin. Nakatingin lang siya sa'kin at wala pa ring imik.
"O-okkk-okay. I'm sorry, d-di ko naman ta-talaga sinasa—" Hinila niya ulit ang kamay ko at sobrang lapit na talaga namin. Hahalikan na yata niya ko, ito na yata. Hindi pa ko nagtu-toothbrush, bahala na! Pinikit ko ang aking mga mata..
"May panis na laway ka." Napadilat ako dahil sa sinabi nito, hinila ko ang aking kamay saka tumayo, kinapa ko ang gilid ng aking labi at pinunasan ito.
BINABASA MO ANG
Anthony and Amber
General FictionSynopsis: Masungit, cold, may pagka-yabang pero hindi naman bad boy. 'Yan si Anthony M. Mondragon, kabaliktaran ng kanyang ama na sweet, friendly at talaga namang gagawin ang lahat para sa pag-ibig. Paano kung magtagpo ang landas nila ng isang babae...