Chapter 8

597 26 19
                                    

3rd person's POV:

"Ha?! Boyfriend mo si Anthony!?" Sigaw ng kanyang kaibigan dala ng pagkagulat. Agad naman niyang tinakpan ang bibig nito at pinandilatan ng dalawang mata.

"I already told you na 'wag kang maingay and then isisigaw mo pa? Ano bang language ang naiintindihan mo??" Tanong niya rito. Sumenyas naman ang kanyang kaibigan na tatahimik na kaya inalis na niya ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig nito. Kumuha siya ng alcohol sa kanyang bag saka inispray sa kamay na pinantakip niya sa bibig ni Margaux. Nakita niyang tumaas ang kilay ng kaibigan.

"Nagtoothbrush naman ako, sis! How dare you?" Sabay halukipkip nito na parang bata.

"Tigilan mo nga 'yan, para kang bata, eh. Anyway, he's not may boyfriend nga, well he is pala per--"

"Ano ba talaga?" Singit ng kanyang kaibigan na gulong gulo na sa kanyang kwento.

"Let's just say he is." Tinamad na siyang magkwento sa kaibigan. 'Di na lamang niya sasabihin ang tungkol sa deal nila ni Anthony.

Pumalakpak naman si Margaux at todo ang ngiti nito. Tuwang-tuwa na akala mo'y nanalo sa lotto.

"Bakit ang saya mo d'yan?" Umiling lang ito bilang pagsagot.

"Kumain na nga tayo." Binuksan niya ang bitbit niyang pringles, wala siyang gana kumain ng rice, nag almusal naman siya ng kaunti sa bahay nila. Napailing siya sa kanyang naisip, "bahay nila" parang natutuwa siyang ulit- ulitin ang katagang iyon, na pagmamay ari nilang dalawa ang condo unit na parang mag-asawa. Napangiti na lamang siya habang ngumunguya.

Isusubo na sana niya ang pangatlong piraso ng pringles ngunit may humawak sa kanyang braso para siya'y pigilan, sasampalin sana niya kung sinuman ang walanghiyang gumawa non ngunit nawala ang kanyang inis nang makita kung sino ito.

Parang wala na'ng mata si Anthony dahil sa ngiti nito. Ibinalik ng lalaki ang pringles na hawak niya sa lalagyanan, at inayos nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

"It's lunch time, babe. You shouldn't eat that." Sabay punas nito sa gilid ng kanyang bibig. Dahilan kung bakit bigla na lamang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Tibok na si Anthony lamang ang nakakagawa.

"Sheeeeeet! Parang nasa movie laaaaaang!!!!" Natauahan siya nang marinig ang sigaw ng kaibigan na may kasama pang palakpak. At tila lahat ng tao ay nanonood na sa kanila dahil sa sigaw ng napaka-careless at attention seeker niyang best friend.

Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa.
"Sorry, kinilig lang, eh." Sabay yuko nito.

"It's okay, uhmm what's your name again?" Tanong dito ni Anthony at saka inabot ang kamay para makipagshake hands.

"Margaux, but you can call me Margy if you want." Inipit pa nito ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga. Sinipa niya ulit ang paa nito, nakakainis ang kalandian ng kanyang kaibigan. Boyfriend na niya nilalandi pa! Ngunit bigla rin niyang binawi ang nasabi sa isip, "Hindi ko pala boyfriend." Bulong niya sa sarili. Lingid sa kanyang kaalaman ay narinig ito ng binata.

"Nice to meet you, Margaux. I don't wanna call you Margy, I hate giving nicknames, except sa girlfriend ko." Sabay taas ni Anthony ng kamay nila na iwinagayway pa sa harapan ni Margaux. "If you don't mind, can I borrow my girl? Kain lang kami ng mas maayos na food." Tumango-tango naman ang kanyang kaibigan.

At walang sabi-sabi ay kinuha ni Anthony ang kanyang shoulder bag at hinila siya palabas ng cafeteria.

"P'wede mo na 'kong bitiwan, nasa labas na tayo ng school." Sambit niya rito habang hila-hila pa rin siya ni Anthony na parang bata. "HEY!" Sigaw niya rito ngunit parang wala itong naririnig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anthony and AmberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon