Chapter 6

287 5 0
                                    

3rd person's POV:

Alas-otso na nang gabi nang makauwi si Amber, pagkadating niya sa condo ni Anthony ay nagmamadali siyang i-enter ang passcode. Ayaw niyang magkasabay sila ni Anthony na dumating dahil sa nararamdaman niyang awkwardness. Bubuksan pa lamang niya ang pintuan ay may nagbukas na nito, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Anthony na nakangiti pang sumalubong sa kanya. Agad niyang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

"Excuse me, h'wag ka nga d'yan sa daanan." Mahina niyang sambit dito, wala siyang lakas dahil gutom na naman siya at alam niyang walang pagkain sa condo kaya pinag iisipan na rin niyang mag order ng pagkain. Sa halip naman na tumabi ang lalaki sa kanyang daraanan ay lalo pa nitong inilapit ang katawan sa kanya. Naamoy na naman ni Amber ang mala-mint nitong hininga...at ang amoy na 'di niya maipaliwanag na nanggagaling sa lalaki. Natural scent siguro ito ni Anthony, sa isip-isip niya.

"What?" Tanong niya sa lalaki. Pinipilit niyang huwag maipikit ang mga mata, ngunit may sariling utak ang kanyang mga mata at kusa itong pumikit upang damhin ang halimuyak na naaamoy niya mula kay Anthony.

"Bango ko 'no?" saka lamang siya natauhan nang marinig niya ang sinambit ng lalaki na ngingiti-ngiti pa rin. Agad niyang binawi ang kanyang tingin sa mukha nito, dahil nakakapanghina naman talaga ang kagwapuhan nito.

"Ano ba kasing kailangan mo?!" sigaw niya rito sabay tulak sa lalaki.

"Easy. Chill! Nagluto kasi ako, alam ko naman na 'di ka pa kumakain at 'di ka rin marunong magluto, eh. So.. ayun, gusto ko lang ishare yung food ko sa'yo." At kumindat na naman ito sa kanya. Nilipat niya ang tingin sa lamesa at nakita niya doon ang paborito niyang ulam na Afritada. Napakasama naman talaga ng tadhana sa kanya dahil alam niya sa kanyang sarili na 'di niya kayang tanggihan ang Afritada na animoy nang aakit ang amoy at mukhang masarap ang pagkakaluto.

*kruuuu kruuuu kruuuu*

"Oh, see? Gutom ka na? Halika na kasi." Ipinatong ni Anthony ang dalawang kamay nito sa kanyang balikat at marahan siyang itinulak patungo sa lamesa. Inalis nito ang bag na nakasukbit sa kanyang braso at ipinatong sa kabilang silya. Hinila nito ang isang silya at sinenyasan siya nito na maupo na. Hindi maintindihan ni Amber ang dapat niyang maramdaman sa ginagawa ng lalaki. Pero dalawang bagay lamang ang alam niya sa mga oras na iyon. Una, masamang tanggihan ang pagkain. Pangalawa, natutuwa siya sa ikinikilos ng lalaki dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may gumawa sa kanya ng gano'n.

Nilagyan siya nito ng kanin sa plato na nakapatong sa kanyang harapan, nang mapansin niyang ang dami na nitong sinandok.

"Hey! Anong akala mo sa'kin? Baboy, ang dami niyan, enough na." Kinuha niya ang maliit na sandok sa kamay nito at ibinalik ang ibang kanin.

"Baboy agad? Ang napakajudgemental mo naman, gusto ko lang naman na kumain ka ng marami.. nagbabakasakali ako na mapunta yung iba sa dibdib mo. Concern lang ako." Seryosong seryoso na paliwanag nito sakanya.

Okay na sana ang lahat pero agad bumalik ang kanyang pagkamuhi sa lalaki. Isang kalokohan nga na maging mabait ito sa kanya. Tatayo na siya upang magtungo sa kanyang kwarto ngunit muli siyang pinaupo nito.

"Ito naman, oh. 'Di na mabiro. Sige na, tikman mo na. Kahit isang subo lang.. pagkatapos ng isang subo at 'di ka nasarapan, hindi na kita kukulitin, promise!" Itinaas pa nito ang kanang kamay.

Pero iba ang tumakbo sa kanyang isipan sa mga binitiwan na salita ni Anthony, namula siya sa naisip. Kinurot niya ang kanyang hinliliit dahil sa maruming bagay na kanyang naiisip.

"Uy, promise! Isang subo lang." pag-uulit pa nito. "Bakit ka namumula?" Nanlaki ang mga mata ni Anthony ng mapagtanto ang sa malamang na iniisip ni Amber kaya ito namumula.

Anthony and AmberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon