3rd person's POV:
"Baby, hey wake up!" Naalimpungatan si Amber sa ingay ng katok at sigaw ni Anthony. "Come on, malelate tayo.. Kumain ka na, maliligo na 'ko." Kung magkasama siguro sila ni Anthony sa iisang kwarto ay iisipin niyang isa silang bagong kasal dahil sa mga sinasabi nito.
"HEY! PRINCESS! Naririnig mo ba 'ko? Sabay tayo papasok kaya bilisan mo na." Kung sana ay totoo lamang ang sinasabi nito ay kinilig na sana siya. Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa kama at pinagbuksan si Anthony ng pintuan.
"Anong sabay tayong papasok? Are you crazy? Gusto mong pag-usapan tayo ng mga tao sa school ha?" Napansin niya na biglang yumuko ang lalaki.
"Gano'n nga ang gusto ko, pag-usapan nila na akin ka na." Napalunok siya sa sinabi nito, pero nagtataka pa rin siya kung bakit ito nakayuko.
"Bakit ka ba nakayuko ha?" Tanong niya dito, pero imbes na sumagot ay tinuro nito ang pagkain sa lamesa at dumiretso ito sa pintuan ng kabilang kwarto. "Kumain ka na at bilisan mong maligo." Sambit nito bago pumasok sa loob.
Kinapa ni Amber ang gilid ng kanyang labi dahil baka may panis na laway na naman siya. Nagkibit balikat na lamang siya at pumunta sa lamesa para mag-agahan. May pagka-weirdo lamang talaga si Anthony sa isip-isip niya.
Fried chicken, fried rice at egg ang pagkain na inihanda ni Anthony, nagsandok na siya at kumain. Napatango-tango siya nang kanyang maisip na maganda nga naman ang deal nila kung ganito araw-araw. Tumayo siya para kumuha ng ketchup sa fridge. Naglagay siya ng kaunti sa platito bago bumalik sa upuan at ituloy ang pagkain. Hanggang sa napatakan ng ketchup ang kanyang damit, nagmadali siyang kumuha ng tissue para punasan ito, puti pa naman ang kanyang sando.
Pinupunasan niya ang tumulong ketchup nang mapansin niya na wala nga pala siyang bra kung matulog, napatigil siya sa pagpunas at naalala ang pagyuko ni Anthony ng makita siya kanina. Agad nag init ang magkabila niyang pisngi. Hindi na niya tinuloy ang kanyang pagkain at tumakbo siya patungo sa kanyang kwarto. Nakakahiya kung maabutan pa siya ng binata doon, baka isipin pa nito na nang-aakit siya.
Iniisip tuloy niya kung paano haharap sa binata mamaya. Sinabunutan niya ang sarili dahil sa inis at kanyang kapabayaaan. Magmamadali na lamang siya maligo at uunahan si Anthony na umalis para hindi sila magkasabay.
Wala pang 20 minutes ay tapos na siya at nakapagbihis. Agad niyang kinuha ang kanyang bag at binuksan nang marahan ang pintuan. Wala pa si Anthony ngunit napansin niyang malinis na ang lamesa. Siguro ay nag aayos ito sa loob ng kwarto, marahan siyang lumakad at binuksan ang pintuan para makalabas.
"Tatakas ka ba?" Nabitawan niya ang bitbit na bag nang magsalita si Anthony. Nakasandal ito sa dingding malapit sa pintuan. Nakapasok ang isang kamay nito sa isang bulsa ng maong pants. Sinuklay pa ni Anthony ang kanyang buhok bago lumapit sa kanya. Pinulot ang kanyang bag at hinawakan pa ang kaliwa niyang kamay.
Napakainit ng kamay nito, tamang-tama para sa nanlalamig niyang kamay dahil sa kaba na nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano bang mayro'n sa lalaki at kakaiba ang epekto sa kanya nito.
Wala silang imik hanggang makasakay ng sasakyan. Inilagay ni Anthony ang mga gamit nila sa backseat at saka lumapit sa kanya upang ayusin ang kanyang seatbelt. Nagdarasal siya na matapos agad ang pag-aayos nito ng seatbelt dahil lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. Baka nga sa lakas ng tibok nito ay marinig ito ng lalaki. Nang lumapit ang mukha ni Anthony sa kanyang mukha ay lumingon siya sa bintana. Ngunit wrong move pala ang nagawa niya sapagkat nararamdaman niya ngayon ang mainit na hininga ni Anthony sa kanyang leeg.
Naramdaman niyang suminghot pa ang lalaki. Napapikit siya at napakapit sa upuan. Parang sinasadya ng binata na tagalan ang pag-aayos ng kanyang seatbelt, parang tuwang-tuwa ito sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
Anthony and Amber
Ficção GeralSynopsis: Masungit, cold, may pagka-yabang pero hindi naman bad boy. 'Yan si Anthony M. Mondragon, kabaliktaran ng kanyang ama na sweet, friendly at talaga namang gagawin ang lahat para sa pag-ibig. Paano kung magtagpo ang landas nila ng isang babae...