Nagbulag-bulagan ka sa katotohanan
Niyakap ang kasinungalingan ng sanlibutan
Nagbingi-bingihan ka sa aking panawagan
Sa mga sigaw na naghahanap lamang ng kanlungan
Nagpakapipi ka sa mga pagkakataong dapat may sasabihin ka
Mga pagkakataong dapat ipinaglaban mo tayong dalawa