Pinilit kong habulin ang sasakyan mong iniwan ako sa 'di kabisadong lugar
Nagsisigaw hanggang sa pagtinginan
Hindi ko pinansin ang mga salitang kanilang inihalintulad sa'kin
Sa pagpatak ng luha ko,
Nagpagtanto kong hindi na babalik ang auto mo
Hindi ka mag-aaksaya ng gaas para lang sa tulad ko
Dahil gustong-gusto mo lang naman na iwan ako