Nais kong lumipad,
maging malaya
Bisitahin ang ibang ibayo
tulad ng ibong dayo
nais kong magkaroon ng babalikan
tahanan, sa kabila ng paglisan
Ngunit pinutol mo kaagad
ang mga pakpak ng aking paglaya
Ikinulong sa hawla
hanggang sa natutong kumawala
Maglakad palayo bitbit
ang pakpak ng paglaya