Kahit hindi ko sabihin,
alam kong nagkulang ako sa panalangin.
Nagkulang ako sa paniniwalang
ito na ang biyayang pag-ibig mula sa Kanya.
Kaya kailanman hindi ko ininda ang pag-iyak niya.
Hindi ko pinroblema kung paano siya sasaya
dahil akala ko hindi pa siya ang tamang tao.