Chapter 2

5 3 0
                                    

Estranghero

"Sa isang Grocery Store ang Raket natin ngayon. Trenta minutos lang tayo dun at kailangan hindi bababa sa bente mil ang makuha natin. Maliwanag ba ?!" Aning seryosong si Cedrick habang ino obserbahan kung nakikinig bang mabuti ang bawat miyembro ng grupo.

Maliwanag Boss ! Sabay sabay nilang sagot at kasama na si Xailan doon na ngayon ay kinakabahan. Hindi niya alam kung bakit matinding kaba ang kanyang nararamdaman. Hindi naman ito ang unang beses na nagnakaw siya dahil ginawa niya na namang buhay ang pagnanakaw. Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi niya magugustuhan.


Pagkahinto nila sa nasabing grocery store ay dire diretso silang pumasok sa loob at agad namang nagsigawan ang mga cashier at iba pang tao sa loob ng grocery store.

"Akin na ang mga kita niyo !" Sigaw ni christian sabay tutok ng swift knife sa isang cashier na ngayon ay nangangatal na sa takot.

"O-oo. Ib bigay kko na." Tugon ng cashier sabay bukas ng drawer at akmang kukuha lang siya ng kaunti ay sinigawan agad siya ni Cedrick.

"Kunin mo lahat at huwag kang babagal bagal !" Sigaw ni Cedrick sabay dampot sa mga pera sa drawer. Wala namang nagawa ang cashier kung hindi ang mangatal sa takot at umiyak.

Sa kabilang banda, nandoon si Xailan at nakikipag patintero sa isang babaeng nakasuot ng sobrang laking tshirt na nagmukha ng Daster sa kanya ! Hindi alam ni Xailan kung bakit pamilyar na sa kanya ang babaeng kaharap. Para bang nakita niya na ito ngunit hindi niya alam kung saan at kailan.

Puny*ta ! Padaanin mo ako kung ayaw mong masaksak kita ! Sigaw ni Xailan at akmang dadaan sa kaliwa ngunit hinarangan ulit siya ng babae.

Alam mo bang isang malaking kasalanan ang magnakaw ? Tapos sasaksakin mo pa ako ! Bad yun ! Parang batang sabi ng babae sa nangangalaiting si Xailan. Malilintekan siya sa Boss niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakakuha ng pera dahil sa pang eepal ng babaeng ito sa harap niya.

Maikli ang buhok ng babae at bumabagay ito sa maliit niyang mukha. Kulay porselana ang kutis nito at nakakaagaw ng pansin ang manipis at may kaliitan nitong labi. May pagka singkit ang mata nito at katamtaman lang ang ilong. Napangisi si Xailan nang makita ang silver na kwintas na may pendant na relo na nakakabit sa leeg ng babae.

Ehem ! Sige Sige ! Hindi na ako magnanakaw. Sambit ni Xailan na nagpakunot sa noo ng babaeng kaharap.

"Talaga ?! Patunayan mo !" Matapang na sigaw ng babae.

Napaisip naman si Xailan at napangisi sa ideyang pumasok sa kokote niya.

"Ha ! Gusto kong makipag kaibigan sa iyo. Ano bang pangalan mo ? " panimula ni Xailan pero napatigil siya nang biglang may sumigaw sa likod.

"Kingina ! Anong ginagawa mo diyan Xailan ? Tapos na tayo dito ! " sigaw ni Christian na ngayon ay naiinis dahil sa sinabi ni Christian.

Agad namang umakbay si Xailan sa babae at ngumiti sa mga kasamahan nila.

"Mga boss ! May ipapakilala ako sa inyo !" Nakangiting sambit ni Xailan.

"Sino na naman yan ?" Sigaw ng isa sa kanilang kasama.

"Siya nga pala si....
Napalunok na lamang si Xailan nang napagtantong hindi niya pala alam ang pangalan ng babae na ngayon ay parang tangang nakangiti ng malaki sa kanya.

"Ako si Ervevien. Isa akong kaibigan." Nakangiting sambit ng estrangherong babae. Kumabog ang puso ni Xailan nang makita ang ipinamalas na ngiti sa kanya ng dalaga. Kanina pa ito nakangiti ngunit para bang ngayon niya lang nakita iyon. Parang bumagal ang takbo ng paligid. Ang bawat segundo ay naging minuto.

Sa sandaling iyon, nandoon ang isang masamang lalakeng katulad ni Xailan na nakikipagtitigan sa isang estrangherong babaeng sa tingin niya ay galing pa sa langit. Natigil lang ang lahat ng may nalaglag mula sa leeg ni Ervevien

Ang kwintas.



So ayun medyo humaba na ang update ko hahaha. (Medyo lang naman). Pasensya na po talaga kayo kung sobrang pandak ng bawat chapters ko. Werpa hug para sa mga nagbabasa at sa mga hindi, #mengemeteyretengtenen chos hahah. Hug ? Hug ! (っಠ‿ಠ)っ
⊂( ̄▽ ̄)⊃ (づ◡﹏◡)づ

This chapter is dedicated to dandelionel thank you sa pag suggest ng name ;)

An I Love You From Heaven (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon