Chapter 1

3 3 0
                                    

#ChicksSaKalsada

"Mukhang malaki laki ang kita natin ngayon ! Makakabili na tayo ng sigarilyo nito ! " tuwang tuwang nagbibilang ng pera ang boss ni Xailan. Mag iisang buwan na rin siyang nagta trabaho sa taong ito. Kagaya ng dati, pagnanakaw ang ginagawa nila ang kaibahan lang ay may kahati na siya sa perang pinaghirapan niya.

"Oh Xailan ! Hindi ka ba natutuwa ? Madami tayong kita mah boy ! " ani pa ni Christian tsaka naghalakhakan silang lahat. Si Christian ang kanang kamay ng kanilang leader. Malaki ang pangangatawan ni Christian. Maputi ang kanyang balat at bukod kay Xylan, siya ang isa sa pinakahabulin ng babae sa grupo nila pero hindi katulad ni Xylan, gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Christian.

"Ha ?! Hahahah. Sino ba ang hindi matutuwa sa ganyan kalaking kita no ! " ani Xailan. Totoo naman natutuwa siya dahil malaki ang kita nila ngunit ang iniisip niya ay yung muntikan na silang mahuli ng pulis kanina.

"Wag mo nang isipin yung mga bulok na Pulis na yun ! Hindi tayo mahahanap non ! Tsaka, paglipas ng tatlong araw ay aalis din tayo sa lugar na ito ! " sabi pa ng kanilang leader na si Cedrick. Hindi nalalayo ang mukha ni Cedrick sa kanyang nakababatang kapatid na si Christian. Mas malaki ang kanyang katawan kumpara sa kapatid. Naging buhay na nila ang pagawa ng masama. Kagaya ni Xailan, kumakapit lamang sila sa patalim.

Alas dos na ng madaling araw ng nagsiuwian na silang lahat. Si Cedrick at Christian ay uuwi sa kanilang Big Boss samantalang ang iba naman ay nagsiuwian sa kani kanilang mga bahay. Samantalang si Xailan naman ay ayun at pagewang gewang na parang tangang tumatawa sa daan. Pagkatapos nilag paghati hatiin ang kinita nila, ang ibang pera ay ibinili nila ng beer para daw sila ay makapag celebrate.

"Machoooo ! Gwapito daw ako !"
Kanta ni Xailan habang tumatawa. Hindi niya alam kung saan siya matutulog. Sa kalsada nalang ulit siguro. Niyaya naman siya ng magkapatid na patulugin doon sa kanilang tinutuluyan ngunit tumanggi siya kaya heto siya ngayon, magpapalipas ng gabi sa kalsada.

Umiikot at nanlalabo na ang kanyang paningin ngunit tanaw niya parin ang malaking Quiapo Church sa harap niya. Mapakla siyang tumawa habang diretsong nakatingin sa Tarpaulin ni Jesus Christ sa labas ng simbahan.

"Hoooy ! Ikaw ! Wala ka bang awa ? ! Bakit ayaw mo akong pagbigyan ? Ganoon na ba kahirap ibigay ang hinihingi ko !" Kahit nanginginig ay dinuro niya ang imahe ni Jesus. "Gusto ko lang magkaroon ng Pamilya ! Makapag arall ! At shgit sha luhaat ! Gusto kong makita ang nanay ko ! " lumandas ang luhang kanina niya pa pinipigilan. "Hoooy ! Pakinggan niyo po ako ! Pagod na akong magnakaw ! Fagoood nahh akklonggg mabohuuyyy !  Sigaw niya at lumuhod sa lupa na para bang pagod na pagod na ngunit  napakunot ang kilay niya ng makita ang isang babae. Malabo man ang kanyang paningin, kitang kita niya ang babaeng namimilipit sa sakit habang nakahiga sa kalsada. Para bang dumaan ito sa matinding pagkahulog.

"Hahahaha ! Tschk! Kalainmunga neman uh ! Nalasheng ka na nga ! Haha aha-ha ! Nachabingwit pa ng cheheks sa kalshadaaa ! Hahaha !"  Sambit ni Xailan sa sarili at humandusay na sa lupa dahil sa matinding kalasingan.

So ayun. Habang tumatagal mas lalong sumasar ay este mas lalong humahaba ang update ko. Hehe. Naubusan lang po talaga ako ng words. Labas niyo mga feelings niyo sa comment box !

Trivia: Natutuwa po ako pag kino correct yung mistakes ko pero naiinis po ako pag pinapakialaman na ako. Iba yung correcting sa pangengealam .

An I Love You From Heaven (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon