Simula

11 4 0
                                    

Reyalidad

Xailllaaaaaaann ! Bumalik ka ditong bata ka !

Umalingawngaw ang boses ni aleng Bebang sa buong Baranggay Sto. Tomas. Alas nuwebe pa lang ng umaga ngunit maingay na ang buong baranggay dahil sa kaguluhang sinimulan ng pilyong binatang nagngangalang Xailan.

Walang pakealam si Xailan sa mga nababangga niya basta ba at makatakas siya sa pinagnakawan. Liko dito, talon doon ang ginagawa ni Xailan dahil hindi na lang si Aleng Bebang ang naghahabol sa kanya dahil tinulungan na rin ito ng iba pang mga tao. Hindi niya alintana ang tagaktak ng pawis at init ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Kapag huminto siya ay alam niyang wala na siyang takas pa.

Humihingal siyang umupo sa upuan sa isa sa mga tindahan ng prutas doon. Kanina pa siya nagugutom at hindi siya makakain dahil nga sa paghabol sa kanya ni Aleng Bebang. Ngingisi ngisi ang binata habang pinaglalaruan ang mansanas sa kanyang kamay. Natigil lamang siya sa ginagawa ng biglang may sumigaw ng

Huli kang bata ka ! Kanina pa kita hinahabol ! Hinihingal na sambit ni Aleng Bebang habang tinuturo si Xailan na ngayon ay kalmado pa rin kahit alam niyang irereklamo na siya ng matanda sa Baranggay Kapitan nila.

Ganun na ba ako kapogi para habulin niyo aleng Bebang ? Tsk. Tsk. Sige kayo sasakit ang tuhod niyo niyan ! Pang uuoto ni Xailan sa matanda.

Ikaw talagang kumag ! Ibalik mo na nga yang mga kinupit mo ! Tsaka magbayad ka na rin ng utang mo ! Sigaw pa ng matanda at iika ikang lumapit sa binata. May diperensiya sa paa ang sengkwenta ikwatro anyos na si Aleng Bebang at mayroon din siyang arthritis. Bagamat masungit ay may pagka mahina talaga ang kukute ng matanda kung kaya mabilis siyang mauto.

Ah ! Yung utang ko ho ba ?! Naku ! Wag kayong mag alala ! Magbabayad na po ako ! Pagsisinungaling ni Xailan. Alam niya sa sarili niyang hindi siya makakabayad dahil wala naman siyang ni singkong duling sa bulsa niya.

Oh yun nampala eh ! Magbayad ka na ! Akin na ang bayad ! Tugon ng matanda sabay lahad ng kamay kay Xailan na ngayon ay pinagpapawisan na ng matindi. Kinapa niya ang kanyang bulsa at nakakapa siya ng isang matigas na bagay. Hindi niya na inalala pa kung ano yun. Patiklop niyang ibinigay iyon kay Aleng Bebang tsaka dahan dahang nakangiting umatras at nagtatatakbo palayo.

Xailaaaaaaaaaaaannnnnn !

Mangiyak ngiyak si Aleng Bebang dahil sa sakit ng paa at dahil na rin sa isang panget na bato na ibinigay sa kanya ng pilyong binata. Sa kabilang banda, naroon si Xailan na bagama't kinakabahan ay nakangiti ng nagtatago sa isang madilim at makalat na eskinita habang kinakain ang ensaymada na ninakaw niya sa tindahan ni Aleng Bebang.

Disinuwebe anyos na si Xailan Montero. Hindi na siya nag aaral at hindi na rin siya umaasang makakapag aral pa siya. Sa tagal niya nang tumigil sa pangangambisyon, hindi niya na matandaan kung anong taon siya huling nakapasok sa eskwelahan. Bagamat mahirap, kontento na si Xailan sa kanyang buhay. Hindi na siya naghahangad ng higit pa man dahil mabibigo lamang siya. Hindi siya nakakapagtrabaho dahil walang tumatanggap sa kanya. Lumayas na din siya sa bahay nila dahil sa sawa na siyang pakinggan ang sangkatutak na sermon, paninisi at pagiging malupit ng kanyang madrasta sa kanya. Para sa kanya, wala na siyang iba pang aasahan kung hindi ang kanyang sarili. Isa lang siyang binatang naging buhay ang pagawa ng masama dahil sa matinding kahirapan. Sa mundo na kanyang kinagagalawan, nag iisa lang siya. Iyon ang reyalidad ng kanyang buhay. Iyon ang nakatatak sa kanyang puso at isip.

An I Love You From Heaven (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon