Chapter 3

8 3 0
                                    

Pinakatitigan ni Xailan ang kwintas na nakuha niya sa leeg ng babaeng iyon. Yun naman talaga ang plano niya. Pasimple niyang kukunin ang kwintas habang inaakbayan ang babaeng iyon at pag nakuha niya ay ibebenta niya kaso petmalu ang tadhana at nakita ng lahat kung paano ito nahulog sa leeg ng babae.

Napatigil sila sa pagtititigan sa isa't isa ng may nalalaglag mula sa leeg ng babae.

Ang kwintas !

Dali daling pinulot ni Xailan ang kwintas at pilit itong inaagaw ng babae sa kanya ngunit hindi nito maagaw dahil masyadong matangkad si Xailan. Kamalas malasan pang may umalingangaw na mga siren ng pulis sa labas ng convenience store !

"Nalintikan na !" Bulalas ni Cedrick at tumakbo papalabas na para bang wala na siyang pakialam kung mahuli man si Xailan o hindi.

Hinila ni Xailan ang babae sa isang lamesa malapit sa counter para sana magtago ngunit pilit nitong kumakawala sa pagkakahawak niya kaya wala siyang nagawa kung hindi buhatin ito at halikan sa noo para tumahimik. Agad silang nagtago sa ilalim ng lamesa ng walang ingay.

"Pulissss Tul--- "

"Tumahimik ka kung hindi hahalikan ulit kita !" Bulong ni Xailan at agad uminit ang pisngi niya nang marealize ang ginawa niya kanina sa babae. Hindi niya pa nagawa yun sa iba !

"Masama kang tao ! Ibigay mo ang kwintas ko kung hindi ay isusumbong kita !" Bulong ng babae at napabuntong hininga na lamang si Xailan.

"Kapag wala na ang mga pulis ay ibibigay ko na sayo ang kwintas mo. Manahimik ka muna at baka mahuli tayo." Mas mahinahon na bulong ni Xailan.

"Siguradong magagalit si God neto pero hindi naman pwedeng wala sa akin ang kwintas kaya sige. Pagbibigyan kita basta bat ibalik mo !" Sabi ng babae at tumango na lamang si Xailan.

"Wala na yatang mga tao dito ! Tara na at may pakain daw ng hamborgir si Bossing ngayon !" Sigaw ng isang pulis at narinig ni Xailan ang mga yapak nila senyales na nakalabas na ito kaya lumingon siya sa gawi ng babae at halos maubusan siya ng hininga ng mapansin kung gaano sila kalapit ! Konting konti nalang at magkakahalikan na sila ! Kaya naman dali dali siyang gumapang palabas ng lamesang pinagtataguan nila.

"Ano pang ginagawa mo diyan ?!" Masungit na sambit ni Xailan dahil ayun padin yung babae at niyayapos ang tuhod niya.

"Dear God, Sana po makalabas na ako dito. Hindi naman po ako marunong gumapang kaya bigyan niyo ako ng kakayahan makalabas dito. Thank you po, Amen." Sambit ng babae at nasapo nalamang ni Xailan ang kanyang mukha.

"Ang tanga mo naman ! Hali ka nga dito ! Tangna ang tanga talaga !" Sambit ni Xailan at agad hinawakan ng babae ang kamay niya.

"Alam mo bang isang kasalanan ang pagmumura ? Lalo na sa isang tulad ko ?" Sambit ng babaeng tanga na nagmukhang mataray na ngayon.

"Ha ! Tanga na nga mataray pa !" Mahinang sambit ni Xailan at hinila ang babae palabas sa lamesa.

"Bakit kayo nagnanakaw ?" Diretsong tanong ng babaeng hanggang ngayon ay hindi niya maalala ang pangalan.

"Wala kang pakealam." Diretso at malamig na sambit ni Xailan.

"Alam mo bang lahat ng ginawa niyo ay masa--"

"Ha ! Saang planeta ka galing ? Bakit parang hindi normal sayong gumawa ng masama ?! Kanina ka pang lintik ka eh ! Oo na masama na ako ! Masama na akong tao pero isa lang ang sasabihin ko sayo ngayon, hindi tayo magkakilala at hindi rin kita gustong maging kaibigan."

Mas lalo lang nainis si Xailan ng imbis na umiyak at magalit ay ngumiti ng tipid ang babae sa kanya.

"Hindi naman kita pinipilit na maging kaibigan. Siguro nga tama ka na bago lang ako dito at hindi ko alam kung paano gumawa ng masama at higit sa lahat ay hindi tayo magkaibigan ni magkakakilala pero ito lang din ang sasabihin ko, Handa akong magpakilala sayo at handa akong kilalanin ka." Mahabang sambit ng babae na nakapagpatigil kay Xailan ng ilang sandali at namalayan niya na lang na tumatakbo na siya palayo sa convenience store. Palayo sa babaeng iyon.

"Tekkaaaaaa ! Ang kwintas ko ibalik mo sa akin yan ! Maawa ka ! Ibalik mo sa akin yan !" Sigaw ng babae ngunit nagbibingibingihan si Xailan at mas binilisan niya pa ang pagtakbo. Maliban sa simoy ng hangin at dagundong ng puso niya, parang silang plaka ang tinig ng babae habang nagsasalita sa isipan niya.

"Handa akong magpakilala at handa akong kilalanin ka ."

Saitan  ! May naghahanap sa iyo ! Sigaw ng isang boses lalaki. Tangna. Kailan ba nito matatandaan ang pangalan niya ? Nandito siya ngayon sa isang bahay na pag aari ng mag asawang Banjo at Marivic. Dito siya napadpad nung nagtatakbo siya palayo sa babaeng iyon. Hindi kasi nakasara ang pinto nito kaya agad siyang pumasok para magtago.

"Sandali lang ! Sigaw niya at itinago ang kwintas sa bulsa at lumabas ng kwarto.

"Sino ba kasi yang lintik na---

"Kuya Xailan !" Sigaw ng isang babaeng mas bata sa kanya na hindi niya aasahang makikita niya ngayon. Ang kapatid niya.

"Nen-eth ? Sinong kasama mo ? " tanong ni Xailan.

"Siya po kuya !" Sabay turo niya sa babaeng nasa likod nito at laking gulat ni Xailan nang tumambad sa kanya ang mukha ng babaeng pinagtataguan niya na ngayon ay nakangiti ng pagkatamis tamis sa kanya.

An I Love You From Heaven (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon