Chapter 15- She said, He said. and there it ends.

187 5 3
                                    

LIAN'S POV

sabado ngayon kaya masarap buhay. nakahilata lang panood nood ng tv, pakainkain habang magisa dito sa bahay. yep magisa lang ako kasi may date si Rain saka si Jung Min. magkakatuluyan na yata yung dalawang yun, palagi silang magkasama eh tapos away-bati-away-bati pa eksena nila yung parang sa mga cliche na mga stories yung ganun. sana magka boyfriend na yung babaeng yun ng walang umeepal pag ako lumalovelife hahaha! 

~guru guru guru guru mawaruuuu~

oh wag mag panic pinalitan ko yung ringone ng phone ko. dem may tumatawag saken.

and speaking of lovelife ay este hell life tumatawag yung mokong. sino paba? edi si Prince.

'ano?' bagot kong sagot sa kanya eh kung hindi ko sasagutin edi tatawagan ako ng milyong beses neto? pfft.

'anae mamimiss kita *sniff *sniff' nagiinarte ba siya o ano?

'ano na namang kaartehan yan?' patuloy parin yung maarteng hikbi niya sa kabilang linya

'mawawala ako ng isang araw, sa lunes pa tayo magkikita' futaness naman netong lalakeng to ah. pero masaya din yun kung sabagay 

'sige magiingat ka' 

saka inend ko na yung call niya, parang yun lang makapag inarte parang mamamatay na, tsk playboy this days naman ohh.

- -

"yeppuu!" sigaw ko sa sala habang nagste.stretch ng sarili ko,napagisipan kong lumabas ngayon kasi pagabi na eh, maganda yung view sa trade ngayon. baka may mabili din ako. at dahil gabi ngayon magbabar ako hohoho!

feeling ko parang ilang years akong nakulong sa bahay kaya ang saya ko habang naglalakad papunta sa labas ng village, wala trip ko lang maglakad di naman ako nakaheels eh atsaka para masundan nila ng tingin yung beauty ko kawawa naman sila kung di nila ako matingnan ng matagal. share your blessing diba. (see multimedia, yan yung OOTD ni Lian)

palabas nako ng village ng mapansin kong may sumusunod saken. binilisan ko ang lakad ko.

"Lian hintay..." pagkarinig ko sa boses na yun bigla bigla naman akong napahinto sa paglalakad ko at napahawak sa may dibdib ko, ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi.

"oi okay ka lang?" nabigla naman ako ng nasa harapan ko na siya at pinipisil yung pisngi ko, nabigla naman ako ng tinabig ko yung kamay niya.

"ah...oo ok lang sige bye" nagpatuloy ako sa paglalakad take note mabilis na yun ah para maiwasan ko siya, di pwedeng magcross ang landas namin hindi. 

"Lian teka lang..." edi lalake nga siya, ang laki ng mga hakbang eh. naabutan ako. at ngayon nakahawak siya sa kamay ko, yung puso ko nagrarally na sa loob, sasabog na daw siya. naman eh! 

"ano bang kailangan mo...Zai?" huminga ako ng malalim tapos tiningnan siya sa mga mata niya. grabe di parin nagbabago yung mukha niya, siya parin yung Zaito na mahal ko ay hindi na minahal ko pala. yung matangos niyang ilong, medyo malaking mata, yung maputi niyang balat at mapula niyang labi. walang nagbago. ano kayang nangyari sa kanya pagkatapos? naging ok lang kaya siya? umiyak din ba siya? nalungkot? nagalala din ba kaya siya saken? ah tama siya nga pala yung nakipaghiwalay... (SEE EXTERNAL LINK TO SEE ZAITO)

"umiiyak ka ba?" nabigla ako sa sinabi niya at napansin na umiiyak pala talaga ako, nakakasira ng beauty to ah, kaya tumalikod ako at pinunasan yung luha ko.

"ah hindi sige una na'ko ah may---"

"ah Lian, uhm..ah kasi ano...pwede ba...kitang makasama kahit ngayong gabi lang?" nabigla naman ako sa sinabi niya at napatango lang. ngumiti siya at nagsimulang lumakad.

Ms. Cassanova and Ms. NBSB (Reupload)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon