TLP - 14

3.5K 118 2
                                    

***

Lav's POV

Andito pa din si Luhan sa kwarto ko. Tahimik lang at wala isa sa amin ang umiimik. Naisipan kong humiga muna sa aking kama.

Napapikit ako saglit at biglang may lumitaw sa aking isipan..

flashback...

"Mula ngayon isa ka nang ganap na Reyna..." sabay palakpak nang mga tao. Napangiti ako nang malapad. Ako na ang mamamahala sa kaharian. Habang ilalagay na ang korona sa aking ulo ay biglang mau sumigaw.

"Itigil niyo to!" pagtingin ko sa may pinto ay nandun ang pinagkakatiwalaan namin. Si Alberto. Nagulat kaming lahat. Pati na din si Reyna, ang ina ko.

"Hindi ka magiging Reyna, Prinsesa Luisa." ano ba 'tong pinagsasasabi ni Alberto? Hindi siya namin maintindihan. Parang wala siya sa sarili niya. "At bakit naman, Alberto?" napatayo bigla ang ina ko at tinawaan lang siya ni Alberto.

"Dahil ako ang dapat na maging hari nang kaharian na 'to! Sa ayaw at sa gusto niyo!" Hindi kami makapaniwala sa pinagsasasabi ni Alberto sa amin. Biglang sumama ang tingin ko sa kanya. Habang siya naman ay nakangiti sa akin. Ngiting demonyo...

"Hindi kita maintindihan Alberto. Ano ba ang nangyayari sa'yo?" tanong ni ina. Ang lahat naman ay nagulat din. Isang mabait na Alberto ay kikilos na parang demonyo.

"Nangyayari? HAHAHA! Well, kinukuha ko lang naman ngayon kung ano ang dapat na nararapat sa akin!" sabat niya sa aming lahat. At tumawa siya na parang si Satanas. "Napakawalang hiya mo. Mga kawal damputin niyo siya!" utos ni ina sa mga kawal. Pero walang may kumilos.

"Mga kawal... Damputin ang dalawang yan!" utos ni Alberto sa mga kawal. At nagkagulo na.

End of flashback...

"AHHHHH!" Sigaw ko dahil sa biglang pananakit nang ulo ko. "L-lav!!" sigaw din ni Luhan. Biglang tumabi siya sa akin.

"Luhan! Ang sakit nang ulo ko!!!" sigaw ko pa. Ang sakit talaga na parang sasabog na ewan. Di nagtagal ay dumilim na ang paligid...

***

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon