BLOOD SLAVES
PROLOGUE
"Kung walang-wala ka na, ano'ng kaya mong isakripisyo para sa mga taong mahal mo at sa buhay mo? Katawan mo?" Tumingin ang lalaki sa kaniyang katawan mula ulo hanggang paa.
"Puso mo?" Turo nito sa kaniyang dibdib.
"O buhay mo?" Saka naman nito sinakal ang kaniyang leeg.
"Ano?" tanong pa ng lalaki.
Hindi umimik ang babae. Sa halip ay sinugatan niya ang kaniyang sarili. Hinayaan niyang pumatak ang kaniyang dugo sa sahig habang nakatingin lamang sa pulang likido na dahan-dahang kumakalat sa lapag. Nakayuko siya at walang lakas loob na tumingin pabalik sa lalaki.
"Isang bagay na makakatulong para sa 'yo..." bulong niya.
"Wala akong pangalan. Wala akong kayamanan. Wala akong ibang pagmamay-ari kung hindi ang katawan na 'to at kung ano ang nandito," sagot niya at itinuro ang kaniyang ulo.
"Nagmamadali ka at deperado na ako. Saan ka ba makikinabang ng husto sa katawan na 'to? Ito..." Itinaas niya ang kaniyang kamay at ipinakita ang dugo niyang patuloy na lumalabas mula sa kaniyang sugat.
"Dugo. Dugo na siyang bumubuhay sa katulad mo."
Hindi umimik ang lalaki. Sa halip ay hinawakan niya ang kamay ng babae at dinilaan ang dugong tumutulo sa kamay nito.
"Huwag mong sugatan ang sarili mo. Huwag mo ring sayangin ang dugo mo. Katawan mo na lamang ang maibabayad mo sa 'kin. Ingatan at pangalagaan mo 'to," wika sa kaniya ng lalaki.
Hinawakan ng lalaki ang maputlang labi ng babae. Ginapang niya ang kaniyang kamay patungo sa malamig nitong pisngi.
"Kapag nawalan ng saysay itong katawan mo, ano na lamang ang ibabayad mo sa 'kin?"
Nakayuko pa rin ang babae at walang balak na tumingin sa lalaki. Hinawakan ng lalaki ang kaniyang baba upang iangat ang kaniyang ulo. Dito ay napilitan siyang tumingin sa lalaking magliligtas sa kaniya. Naramdaman niya ang paghawak ng lalaki sa kaniyang baywang. Ramdam na ramdam niya ang paghagod ng kamay ng lalaki sa kurba ng kaniyang tagiliran.
Lumunok siya nang maramdamang bumaba ito sa kaniyang puwetan.
Ano'ng kaya mong isakripisyo? Hanggang saan mo kakayanin na ibenta ang katawan mo?
Muli niyang naririnig ang mga boses ng mga taong nagmaltrato sa kaniya.
Napasinghap siya nang bumaba ito sa likuran ng kaniyang hita.
"Ito ba?" tanong ng lalaki.
"Isa ba 'to sa mga ibabayad mo sa 'kin?" tanong pa nito. Nakita niya ang pagkurba ng labi ng lalaki. Natutuwa ito sa nakikita at nahahawakan sa kaniyang katawan. Kung inaakala niya atang ligtas na siya ay mukhang nagkakamali siya.
Dahil tila bumalik lamang siya sa buhay niyang impyerno. At ngayon ay sa ilalim ng lalaking ito.
"Dugo..." mahinang sagot niya.
"Dugo lamang ang kaya kong ibigay," dugtong pa niya.
"Ahhh..." Tila na-dismaya ito pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi nito.
"Blood slave?" tanong ng lalaki sa kaniya.
"Ito ang tawag sa inyo, hindi ba?"
Tumango siya. Binitawan siya ng lalaki at lumayo sa kaniya. Nagpamulsa ang lalaki sa kaniyang pantalon at itinagilid nito ang kaniyang ulo.
"Pasensya na pero hindi ako tumatanggap ng katulad mo."
Nasaktan siya sa sinabi nito. Ilan na ba ang bampirang nakakuha sa kaniya? Ilan na ba ang umabuso sa kaniya? Ilang bampira na ba ang bumaboy sa kaniya? Hindi na siya bago. Laspag na kung tawagin. Ilang beses na siyang pinagpasa-pasahan. Ano bang inaakala niya? Na tatanggapin siya agad ng bampirang nasa harap niya?
Kahibangan. Walang tatanggap sa katulad mo. Isa kang basura. Pasalamat ka at masarap ang dugo mo, kung hindi ay matagal na kitang tinapon sa kalye.
"Ayoko ng dugo," wika pa ng binata.
"Kung hindi dugo, anong gusto mo?" Lakas-loob niyang tanong dito. Desperada na siya. Gusto na niyang makawala dito. At kung ang lalaki lamang na nasa harap niya ang huli niyang pag-asa ay kakapitan na niya ito, makaalis lamang siya sa lugar na 'to.
Tinuro ng lalaki ang kaniyang katawan.
"Katawan mo ang gusto ko."
Binasa ng lalaki ang kaniyang labi gamit ang kaniyang dila saka ito ngumiti sa dalaga.
"Ibibigay mo ba?" tanong pa nito.
Anong isasagot niya? Papayag ba siya sa alok nito? Papayag ba siyang ibigay ang katawan niya rito? Kaya niyang ibigay ang kaniyang sarili sa lalaki ngunit dugo lamang ang kaniyang kayang ialok. Pero ang katawan niya gamit sa ibang paraan?
Ano'ng sagot upang makaalis sa lugar na 'to? Upang magtapos ang kaniyang paghihirap dito?
Ito na lamang ba ang natitira?
Kakapit ba siya sa alok ng isang demonyo?
"Pe—" Huminga siya ng malalim. Tumingin siya muli sa lalaki. Diretso sa mga mata nito.
Desperate times require desperate measures.
She badly wants to get out of here.
"Kung iyan ang gusto mo, ibibigay ko," sagot niya sa binata.
Nakita niya ang dahan-dahang pagngiti ng binata. Lumapit ito sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang baywang habang ang isang kamay naman nito ay nasa kaniyang batok. Laking gulat niya nang bigla siyang halikan ng binata. Ramdam na ramdam niya ang panggigil nito at ang pagkauhaw nito. Sa sobrang pagiging agresibo nito ay naramdaman niyang nagdudugo na ang kaniyang labi.
Ngunit hindi huminto ang lalaki rito. Sa halip ay naramdaman niya ang pagdila at pagsipsip ng lalaki sa kaniyang dugo.
Napapikit siya nang makaramdam siya ng hapdi at kirot.
Biglang humiwalay ang lalaki sa kaniya. Muli ay ngumiti ito sa kaniya.
"Hindi na masama," komento pa nito.
"Sa akin ka na. Pagmamay-ari na kita," wika pa nito.
"Nasa likod ng labi mo ang marka ko sa 'yo," dugtong pa nito.
Tumalikod ang lalaki saka ito tumingin sa kaniyang paligid. Ngunit nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag.
"Kung gusto mong kumawala, kailangang patayin mo muna ako."
Hindi umimik ang ang babae at sa halip ay hinawakan lamang ang kaniyang labi.
"Ahhh..." Tila may naalala ang binata.
"Wala kang pangalan hindi ba?" tanong nito saka ito muling tumingin sa kaniya.
Tumango siya sa lalaki.
"Dahil akin ka na, tatawagin kita sa kahit anong gusto ko. Pero sa ngayon, bibigyan kita ng pangalan."
Pangalan? Bakit kailangan mo ng pangalan? Sino ka ba? Isa ka lamang walang kuwenta sa mundong 'to. Iniwan nga kayo ng mga magulang niyo no'ng sanggol pa lamang kayo sa kalye. Pangalan pa ang gusto mo? Basura? Basura ang itatawag ko sa 'yo.
"Andi," wika ng lalaki.
"Simula ngayon, ang pangalan mo ay Andi."
"At ikaw?" tanong ni Andi sa lalaki.
"Ano'ng pangalan mo?"
Ngumiti ito sa kaniya. "Alexander. Alexander ang pangalan ko."
BINABASA MO ANG
Blood Slaves (The Frey, #2)
VampireStatus: On-Hold She grew up as a slave. She was nothing but a tool and meal for vampires who owned her. Ilang ulit nang pinagpasa-pasahan. Ilang ulit nang binaboy. What can she really give to a man who wants something in return for his help? "Dugo...