BLOOD SLAVES
CHAPTER THREE
"THE NIGHT WE MET"
Kaba at takot ang yumakap sa buong katawan niya nang marinig ang sinabi ng babae. Anong mangyayari sa kanya kapag siya'y nasa kamay na ng bampirang iyon? Ano ang mga kahindik-hindik na bagay ang ginagawa nito sa mga Blood Slaves? Kapalit ng isang bilyon, ano ang mga ipapagawa nito sa kanya? Habang buhay na nga lang ba siyang makukulong sa buhay na ganito? Habang buhay na pagkain ng mga bampirang 'to?
Kailangan kong tumakas...
Napahawak siya ng mahigpit sa malamig na metal ng kanyang rehas nang umandar na naman ito.
"Dalhin na 'to sa nakabili. Kay Mr. Tan ang babaeng 'to at isang bilyon ang halaga niya. Ingatan niyo."
Saglit...
Saglit!
T-Tulungan niyo ako!
Tulungan niyo ako...
Nakaluhod habang tulala. Hindi niya magawang sumigaw, Hindi niya magawang magpumiglas. Wala siyang tapang. Wala siyang lakas ng loob para gawin iyon.
Tumigil ang paghatak sa kanyang kulungan. Tunog ng yapak ng sapatos ang sunod niyang narinig papalapit sa kanya. Nang iangat niya ang kanyang mga mata ay muling nagkrus ang mata niya at ang mata ng lalaking nakabili sa kanya.
"It took me so long to get you. Now I am here. You don't need to worry."
Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan. Wala siyang maintindihan sa mga sinabi nito.
"I'll take care of you..." Akmang iaabot nito ang kamay sa kanya upang mahawakan siya nang agad siyang lumayo sa lalaki. Nakita niya ang pagngisi nito.
"Take her to my house. Lock her up." Utos nito sa isa sa mga tauhan nito. Agad siyang tumingin sa tauhan nito nang bigla nitong buksan ang pinto ng kulungan. Hinatak siya nito palabas at sapilitan na ipinasok sa loob ng sasakyan. Sumakay sa unang sasakyan ang lalaking nakabili sa kanya habang ang sasakyan namang sakay-sakay niya ay nasa likuran lamang nito.
Nang umandar ang sasakyan ay mas lalo siyang kinabahan. Anong gagawin sa kanya? At anong mangyayari sa kanya? Sa tuwing may bumibili sa kanya ay ito ang palagi niyang iniisip. Kahit ilang beses na siyang pinagpasa-pasahan ng mga bampirang ito ay hindi pa rin mawala-wala ang takot sa kanyang mga buto. Hanggang sa kamatayan ay paniguradong dala-dala na niya ito.
Kailan... ako makakawala sa buhay na ganito?
Sabay silang nagulat ng driver nang bigla silang nakarinig ng malakas na pagsabog sa loob. Sumunod na pagsabog ang narinig niya sa kanilang harapan. Agad na huminto ang kanilang sasakyan bago pa man sila madaganan ng malaking tipak ng bato sa kanilang harapan.
"Boss, hindi kami makadaan. Malaki ang harang dito," wika ng tauhan na kumukha sa kanya na nakasakay sa tabi ng driver.
"Mukhang mayroong pag-atakeng nangyayari sa iba't ibang parte ng Underground," wika pa nito.
Pag-atake?
Sa tinagal niya sa lugar na 'to ay ngayon lamang nangyari ito. At kung mayroon mang aatake, sino ang mga ito?
"Masusunod po." Ibinaba nito ang cellphone at kinausap ang driver. "Maghanap tayo ng ibang daan palabas. Tara."
Pinaandar muli nila ang sasakyan upang makahanap ng ibang madadaanan. Nang makarating sila sa isa pang exit dito sa Underground ay laking gulat nila nang makitang may harang na rin ang mga ito. Maraming sasakyan ang nastuck dito at maraming mga taong nagtatakbuhan. Wala silang choice kung hindi ang maglakad palabas. Agad siyang hinatak ng tauhan palabas at kinaladkad papalakad. Nasasaktan na siya sa sobrang higpit ng pagkakahawak sa kanya ng tauhan ngunit hindi niya magawang makapalag dito.
BINABASA MO ANG
Blood Slaves (The Frey, #2)
VampireStatus: On-Hold She grew up as a slave. She was nothing but a tool and meal for vampires who owned her. Ilang ulit nang pinagpasa-pasahan. Ilang ulit nang binaboy. What can she really give to a man who wants something in return for his help? "Dugo...