BLOOD SLAVES
CHAPTER ONE
"The Blood Auction"
"Bring her in."
Bumukas ang pinto. Isang dalaga ang nakasuot ng kulay asul na bestida ang pumasok. Maayos ang postura at nakaayos ang dalaga. Kinulot ang buhok nitong pagkahaba-haba habang nilagyan naman ng kolorete ang kaniyang mukha. Dahil sa pagbabagong ito ay lumabas ang natatagong kagandahan ng dalaga.
Sa loob ng kuwarto ay tumutugtog ang paboritong musika ng lalaking naghihintay sa kaniya. Chopin Nocturne Op. 9 No. 2 - isang napakagandang tunog para sa lalaking ito ngunit para sa dalagang pumasok ay sawang-sawa na siya rito.
"Hmm... As always, you're beautiful, my dear. Such a pity you became like this."
Nakatayo lamang ang dalaga habang nakatingin sa sahig. Hindi siya nagtatangkang tumingin pabalik sa lalaki. Hindi niya masikmura na tingnan ang mukha nito. Kagwapuhan ang lalantad sa iyong mga mata, ngunit kabaliktaran at kasuklam-suklam ang natatagong ugali nito.
"Come."
Lumapit ang dalaga sa lalaki. Kumakabog ang kaniyang dibdib sa kaba. At hindi nakakatulong ang tunog ng piano na kaniyang naririnig. Mas lalong bumibilis ang tibok ng kaniyang puso sa takot. Alam na niya ang gagawin ng lalaking ito sa kaniya lalo na't ngayon ay nakabihis siya. Nasisiguro siyang isang mahabang gabi na naman ito para sa kaniya.
Bumukas muli ang pinto. Doon pa lamang ay alam na niyang samutsaring bisita ang pumasok sa kuwarto. Pinaupo siya ng lalaki sa sofa na madali niyang sinunod.
"Welcome," bati ng lalaki sa mga taong dumating. Tumingin siya sa mga ito. Pumaling ang kaniyang ulo. Imbis na tao, ano nga bang tawag sa kanila ng karamihan?
Bampira.
Hindi tao ngunit mga bampira ang mga pumasok sa loob ng kuwarto. Namumukhaan niya ang iba habang ang iba naman ay bago pa sa kaniyang paningin. Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Nakita niya ang mga ngiti nito sa kaniya. Ngiting nasasabik sa nakikita, naamoy, at matitikaman nila.
Tumingin siya sa lalaking abala sa pakikipag-usap sa mga dumating na bisita.
Ang walang hiyang bampirang ito ay ang lalaking nagmamay-ari sa kaniya. At siya, sa harap ng mga bampirang ito ay walang iba kung hindi ang masararap na hapunan ngayong gabi. Pero hindi siya mamamatay ngayon, kahit bukas, o sa susunod na araw, sapagkat hapunan man siya ngayon, sa loob ng kuwartong ito ay siya ang pinaka-iingatan. Sapagkat kapag nawala siya sa mundong 'to, alam niya ang malaking panghihinayang ng mga bampirang ito.
Laking pasasalamat niya at mayroon siyang masarap na dugo na wala ang iba. Ito ang dahilan kung bakit buhay pa siya ngayon. Ito ang bumubuhay sa kaniya.
Muli siyang tumingin sa mga bisita. Sanay na siya sa mga ekspresyon na ibinibigay nito sa kaniya. Mga mukhang nananabik na matikman ang kaniyang dugo. Dumako ang tingin niya sa dulo. Isang lalaki ang nakasuot ng tuxedo gaya ng ibang kalalakihan na narito. Pero may kakaiba sa lalaking ito. Hindi niya makita ang pananabik at ang uhaw sa mukha ng lalaki. Sa halip ay kalmado ito at tila hindi interesado sa nangyayari sa kaniyang paligid, lalo na sa kaniya, sa kaniyang dugo.
"Shall we start?"
Narinig niya ang boses ng kaniyang Master kaya't dito siya naalerto. Lumunok siya at dahan-dahan na tinanggal ang strap ng kaniyang bestida. Nakatingin lamang siya sa sahig at blangko lamang ang kaniyang ekspresyon. Labag man sa kalooban niyang gawin ito ngunit alam niyang wala siyang laban sa mga bampirang nakapalibot sa kaniya. At lalong-lalo na sa Master niyang taimtim siyang pinapanood.
BINABASA MO ANG
Blood Slaves (The Frey, #2)
VampireStatus: On-Hold She grew up as a slave. She was nothing but a tool and meal for vampires who owned her. Ilang ulit nang pinagpasa-pasahan. Ilang ulit nang binaboy. What can she really give to a man who wants something in return for his help? "Dugo...