Chapter 25

9.1K 362 32
                                    

I WAITED FOR HIS REPLY. Hindi siya umimik at nanatili lang na nakatingin sa akin. He just stared at me for a long time while an uncomfortable silence engulfed both of us. I was about to walk away dahil hindi naman siya nagsasalita at wala naman ata siyang balak sumagot sa akin o maging civil sa isa't isa nang makarinig kami ng sigaw ng mga taong nagtatalunan at naka life-vest.

"Hawk, code red! Locations is at your 12 o'clock, explosion in about 10 seconds!" I heard someone shout from nowhere.

The voice was awfully familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko narinig 'yon.

"Oh fuck," Primo muttered pagkuwa'y kinuha ang maleta ko at hinila ako patalon sa dagat.

"Ano ba! Bitawan mo nga ak–"

I shouted during the fall and I couldn't finish my sentence.

Hindi ako nakahuma.

What the fuck is he doing?! Magpapakamatay ba siya at isasali niya ako? Well, he could die alone dahil hindi pa ako handang mamatay. He'll check off one of my bucket list kung namatay siya dahil nung araw na iniwan niya ko sa ere sa kasal namin ay hiniling ko 'yon.

Nang bumagsak ako sa dagat ay hinila niya ako pababa ng tubig. Pagmulat ko ng mata ko ay narinig ko ang isang pagsabog. Immediately after that, I saw a few debris falling in the ocean. Although from underwater ay hindi masyadong malakas ang maririnig na pagsabog but relatively speaking and how the waves reacted to the sounds, it was a few more decibels than the normal.

Hindi ko napansin na hila hila na pala ako ng lumalangoy na si Primo. I tugged his hands nang hindi na ako makahinga. He forgot I am not like him, he's like a professional diver at this point.

He looked back then signaled me to wait.

Umahon siya at sinenyasan niya akong umahon din nang makita niya na safe na lumabas. I didn't know where did my baggage go dahil pagbagsak namin sa tubig ay binatawan niya na yun. I understand completely dahil mas importante ang mga buhay namin.

"Oh my god!" I said while panting ang gasping for air. "Ano'ng nangyari?! Was that a bomb?!" I asked him, horrified.

Hindi siya umimik at tiningnan lang ang barko mula sa banda namin.

Fear crept in me nang makita kung anong kinalabasan ng barko. Sira at sunog na sunog ang kanang bahagi nito. It was exactly where we were standing and talking a minute ago. If we haven't been informed by an individual – nanindig ang balahibo ko sa namumuong imahinasyon kaya hindi ko na itinuloy ang iniisip.

Jesus Christ.

It could've been me.

Hindi ko alam bakit sunod sunod na nangyayari sa akin 'to.

What is happening?!

"Give me an initial report," malamig na sabi ni Primo.

I thought he was talking to me kaya naman napalingon ako sa kanya but no, he had a inconspicuous earpiece that the naked human eye can't detect. I'm surprised hindi 'yon nasira ng tubig dagat, it's an electric device it should've been affected pero maayos pa rin 'yon. Ngayon ko lang napansin na nakakapit pala ako sa balikat niya. Hindi ko rin siya mabitawan dahil wala akong life vest at hindi ako marunong lumangoy.

The Warrior 1: PrimoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon