CHAPTER 1

656 12 1
                                    

Maaga akong nagising dahil first day of school namin ngayon. Paniguradong sasakit ang ulo ko ngayon. Hindi dahil sa subjects kundi dahil sa mga students. Ayoko muna silang isipin okay Inhale. Exhale.. takte ang bigat nang dambuhalang tyan ko hindi ako makakilos nang maayos. Hayys

Pumunta na ako sa banyo at nagsimula na akong maligo. Nagbihis ako nang maluwag kong blouse at tska sinuot ang necktie at skirt na sobrang haba. Maikli ang skirt nang iba kong classmates. Pero yung akin mahaba. Pinasadya ko talagang mahaba dahil ayoko nang maikli. Ayokong iexpose ang mala pata kong binti. Pero wag kayo maputi 'to noh. Sinuot ko na ren ang black shoes ko.

Humarap ako sa salamin at pinagmasadan ang aking sarili. Hayys ang taba ko. Hindi. Ang taba taba taba ko pala. Ang sabi nila saaken hindi daw ako nababagay sa school na pinapasukan ko. Dahil pang magaganda at gwapo ang pumapasok don. At ako? Isa lang naman daw akong basura at baboy na hayop na pagala gala sa loob nang paaralan. Hayss bat andaming taong ganon? Yung feeling nila almost perfect na sila. Yung feeling nila sila na ang angat lagi.

Anyways, bumaba na ako at pumunta sa dining table. Mayaman sila tita at tito. At pati na ren syempre kami. Kaso si tita ang naghahawak nang pera ko. Wala pa daw ako sa legal age. 17 palang kasi ako. Pag nag 18 na ako pwede na ako mag handle nang pamana nila mom at dad. Hindi nila ako pinapabayaan at love na love nila ako. Wala kasi silang mga anak. Hindi kasi nakakapagbigay nang anak si tita kaya eto saakin nila pinagtutuunan nang pansin ang pagiging magulang nila kaya kablum! Eto epekto ang lusog lusog ko.

"Good morning tita!" Masayang bati ko sakanila. Bata pa nga sila tito at tita e. Mga 37 si tita at 39 si tito. Maganda si tita at Gwapo naman si tito.

"Oh pat. Kumain kana dito." Pinaupo na ako ni tita at nakita ko na naman yung plato ko. Actually ang onte nga lang nang nilagay e. Sa sobrang onte maghuhulugan na yung laman nang plato. Uhhmm may laman lang naman kasi yung plate na 4 cups of rice tapos 3 eggs 2 hotdogs at 5 bacons. Hayys alaga talaga nila ako.

"Hmmmm! Ang sasarap nito tita ah. Asan nga po pala si tito?"

"Ah tulog pa e. Pagod kase hehehe, kain lang nang kain para lumusog. Ang payat mo na oh" sabay pout pa saaken ni tita. Pero nakakaiyak kasi ang payat ko pa pala sa lagay natoh? Huhu tita naman e. TT^TT

"Tita naman! Ang taba taba kamo. Nako tita pacheckup na naten mata mo baka nanlalabo na." Tita yung totoo? Halos magmukha na nga akong Hot Air Balloon sa lagay kona to tas sasabihan lang akong payat na daw. Nagaalala na nga ako minsan baka may sakit na ren ako. Hayys

"Pat, alam mo kasi ang cute mo kapag ganyang chubby ka. Kapag payat ka naman ang ganda mo. Oh dibah? Pero mas bet ko kapag cute ka! Hahahaha"

"Tita ba't ikaw. Ang sexy mo! Bat kaya dimo itry na magpataba ren kahit onte lang. Ako tong nilulusog mo e. Hmmp"

"Hahahahaha! Ayos lang yan. Nukaba."

"Hayyynako tita. Pero yung totoo po kapag nagpasexy ako. Okay lang poba sainyo? Hihihihi"

"Aba oo naman. Pero wag muna ngayon. Ang cute mo kasi mukha kang piggy. Hhahahahha"

"Loko ka tita ah!"

Natapos kona ren sa wakas ang battle with my plate. Whoooh! Ang hirap gumalaw. Waaahh! Paniguradong masisira na blouse ko neto eh.

"Tita! Aalis na po ako."

"Pat, pagpasensyahan mo nalang muna yung mga students sa school naten ha. You know. Mga spoiled brat lahat nang nandon e. Mga richkid e. Basta walang makakaalam na ikaw o tayo man ang may ari nang school. Okay?"

"Aye Aye Tita!"

Yep, tama kayo nang nabasa school namin 'yon. Pero kung makapagpaalis sila saakin e wagas! Dinaig pa may ari nang school. Hmmmp!

Ms Piggy Who Became SexyWhere stories live. Discover now