Chapter 2

889 41 6
                                    

Thomas' POV

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Kaagad kaming tumawa lahat at si Kib naman ay napayapos na lang sa throw pillow habang nakanguso't nakabusangot.

"Guys, legit 'to"saad ni Camille.

"Hahahaha! Hello?! Para namang hindi namin pansin?!"pagtawa ni Cienne "Duh? I'm pregnant for 8 months! Alam na alam ko ang mga signs ng pagbubuntis!"

"Pansin na pansin namin 'yang paglilihi mo Camille. Tsaka ka bubusangot, Kib? Eh matagal na naman kayong kasal anong masama dun?"tanong ni Avo.

"BIG RESPONSIBILITY!"sagot ni Kib.

"So ayaw mo? Ha?"agad na pagtataray ni Camille sa kaniya.

"Hindi ah! Pero sadyang hindi ko kaya. Like you're pregnant! Again!"agad naman na pagdepensa ni Kib sa sarili.

"Oy, sira ulo, anong akala mo? Ang marriage ay puno lang ng paglalampungan? Malamang mabubuntis mo 'yan, asawa mo 'yan eh!"pangloloko ni Avo.

"Okay, bayaw, gets kita pero nabigla lang ako"saad ni Kib.

"WAHAHAHAHAHAHAHA!"kaagad ulit kaming nagtawanan. Itong si Kib. Tumanda na kami't lahat, hindi pa rin sumasabay ang utak sa edad. Ang isip bata pa rin! Kasal na 'yan ah! Kasal na 'yan.

"Bakit ka mabibigla eh matagal na nga kayong kasal?! Dapat nga matuwa ka kasi after all these years of waiting and trying, finally! Nakabuo na!"saad ni Cienne.

"Kinakabahan ako. Pwede bang dagdagan ng extra 2 months ang pagbubuntis? Para matagalan bago lumabas"

"PUTEK!"sigaw ni Camille at kaagad niyang binatukan si Kib.

"Aray"pagrereklamo ni Kib at hinimas ang likod ng ulo niya.

"Akala mo ba madali magbuntis?! Puta ka ah"sigaw ni Camille.

"PUTA KA RIN!"

"OY!"

Kaagad kaming napareact lahat nung sinagot ni Kib si Camille.

"SASAGOT KA PA?!"pagtataray ni Camille.

"Oy, tama na 'yan. Sumiseryoso na 'yan ah"saad ko.

"Kausapin mo 'to! Itong tarantadong 'to!"inis na saad ni Camille.

"Kambal, ano ba?"pananaway ni Cienne.

"Tsk!"

Kaagad tumayo si Kib at nag walkout. Lumabas siya ng bahay at pansin ko palang sa lakad niya na naiinis na siya.

Napatingin naman ako kay Camille at napansin ko na naluluha siya. Teka, may hindi ba ko nagegets dito?

"Cams, ano ba?"tumayo si Cienne sa kaniyang pagkakaupo at tinabihan ang kakambal niya.

Hinimas ni Cienne ang likod ni Camille at naiyak na nga ito.

"Did I miss something?"bulong na tanong ko kay Avo.

"Not even a clue, bro"sagot niya "I feel like I've missed this moment for awhile because of this"

"Same"bulong ko.

Tuloy ang paghikbi ni Camille at pansin ko na nag-aalala na si Cienne.

"I've surrendered my religion and my church for him! Para lang makasal kami at para lang matupad yung pangarap naming ikasal at magkasama habang buhay. Tapos ngayon?! Ngayon na 7 years na kami, saka siya nagkakaganito! Well, it's not my fault that I can't carry a baby. It's really not my fault"pagrereklamo ni Camille habang umiiyak.

The Guy Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon