Chapter 4

555 31 5
                                    

Ricci's POV

Present Time

"Ano sa'yo?"tanong ko sa kaniya.

"Umm, nirvana sa'kin"sagot niya at medyo ngumiti.

"Sige, gu—"

Napatigil ako sa pakikipag-usap sa kaniya nung tumunog yung phone ko. Kaagad kong kinuha yung cellphone ko at tinignan ang tumatawag. Si Ate Mika? Naku patay! Baka may mahalaga na naming hihingin 'to.

"Babe, wait lang ah"sabi ko at tumango siya.

Lumabas muna ako ng shop at kinausap si Ate Mika.

"Hello?"

"Rivero!"

Nalayo ko nang bahagya yung cellphone ko sa tainga ko nung sumigaw siya.

"ANO 'TO?! HINDI PA RIN TUMAAS ANG RATINGS SA MARKETING?! KULANG PA RIN BA ANG TAO DIYAN?!"

"Ma'am Mika,"panimula ko "Bagong set palang po kasi ng team, eh BUO na po. Buo na. Kaso new set po kami halos eh.  Hindi po talaga kinaya"

"Rivero naman, I gave you one month already! Eh nung tayo nga 'di ba? After a month nga may event na kaagad tayong natapos! Ano bang hindi kaya ng team mo ngayon?!"

"Eh—"

"This is not a good excuse, Rivero! THIS IS NOT! I will see you tomorrow in my office!"

"Yes Ma'am"

"10 AM SHARP! CATCH MY DRIFT?!"

"Yes Ma—"

*TOOT*

Napabuntong hininga ako at binaba ang phone ko. Lord, help me! Sobrang bigat pala talaga nitong trabaho ko. I mean, I've been working here and parang hindi ko talaga sila mapantayan. Lahat sila tumataas nan g floors, well, maliban kay Kuya Rex kasi ayaw talaga niya, pero bakit ako? Siguro nga kasi gusto nila na makita ako na parang si Sir Thomas noon nung naging General Director. Peoro hindi ganun kadali eh, hindi na ko sanay ngayon.

Ay! Si Fifi!

Kaagad akong pumasok sa shop at nakita kong umo-order siya.

"Babe, ako na"saad ko at tinabihan siya.

"Oh, ang bilis mo naman"saad niya.

"Si Ate Mika lang, binungangaan na naman ako"saad ko.

"Ma'am 310 po"saad nung cashier.

"Ako na"saad ko at nilabas ang wallet ko "Upo ka na dun"

"Okay"saad niya at nagbayad na ako.

"Sir, 5 minutes na lang po"saad niya

"Sure"sagot ko at lumapit na ako kay Fifi. Umupo ako sa harap niya at inayos nang kaunti ang buhok ko.

"Oh, bakit ka pa diyan umupo?"tanong niya.

"Ha?"tanong ko.

"Dito ka na sa tabi ko. Ikaw talaga"saad niya at medyo natawa.

Tumayo na lang ako at umupo sa tabi niya. Hindi lang kasi ako sanay. Hay, new girlfriend, new rules. But I like it. Atleast, wala na rin akong pinoproblemang babae. Si Fifi kasi, ibang iba siya kaysa kay..

"Ma'am Michelle!"

Kaagad akong napatingin kay Fifi nung parang may tinawag siya. Kaagad akong napatingin kay..

She looked at us and she smiled.

"Hi"she greeted.

"With someone?"Fifi asked.

The Guy Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon