Chapter 6

716 28 15
                                    

Thomas' POV
Flashback 10 Months in Italy

"Ano ba 'yan, Fifi?"pagbibirong tanong ko at napakamot siya ng ulo.

"Eh Sir, revise ko na lang po. Make sure ko na lang po na mapapirmahan ko na lang po sa buong board ito"sagot niya.

Napasimangot na lang ako "Sige na, ano pa nga ba?"sagot ko at umalis na lang siya sa office ko.

Bumalik ako sa pagbabasa ng ilang records at laking bigla ko nung magrequest ng video call si Ara. Kaagad koi tong sinagot.

"Ara!"

Tuwang pagbati ko.

"Hi, Tho—"

"Anong nangyari sa'yo?! Bakit ngayon ka lang nakatawag? I'm worried sick! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo?! Okay ka lang ba? Bak—"

"Thomas, relax!"nasupalpalan niya ako "I'm fine"

"Ara naman"

Natakluban ko lahat ng trabaho ko at nagfocus kay Ara.

"Bakit ngayon ka lang tumawag? Miss na miss na kita. Ilang linggo, I mean, buwan yun! Ano ba talagang problema?"

"Wala naman, kailangan ko lang kasi—"

"Ara please tell me. May nagawa ba akong kasalanan? May mali ba akong nasabi? Ara whatever it is, I'm so sorry"

Napabuntong hininga siya.

"Thomas I'm so sorry. Alam ko na naging biglaan yung hindi ko pagtawag pero I just want to tell you that there's nothing wrong. Wala kang kasalanan. Wala kang nagawang mali. It's just, I needed time"

"Time for what? Ara, please tell me. Don't leave me here without a word again, please?"

"Thomas, I need space"

Napatigil naman ako at tinitigan ko siya.

"Kung tatawagan kita, maybe once or twice a week na lang. I need some space"

Napabulong naman ako "Hindi pa ba sapat yung ilang buwan na yun?"bulong ko.

"I can't explain, Thomas. I'm really sorry"

Pansin ko na naiiyak siya na ewan kaya medyo nagtaka na ako.

"Is it about Jeron? Please, tell me. May ginawa ba siya sa—"

"No, wala"kaagad na sagot niya "I told you, I just need time"

"Ara, kung may ginagawa siyang masama sa'yo just please tell me"saad ko. "Ayokong napipigilan ka niya"

"Thomas, walang ginagawang masama si Jeron. Believe me, nandito lang talaga kami for Nathan. Ni hindi nga kami masyadong nag-uusap eh. Panay na kay Nathan at trabaho ang oras niya and that's why we are here. For Nathan"

Napabuntong hininga naman ako.

"Thomas, if there's a problem. I will tell you. Pero kasi may mga desisyon ako na hindi ko masabi sa'yo"

"Bakit?"tanong ko.

"Kasi—ginagawa ko yung desisyon ko na yun for my son"

Napatango naman ako.

"I understand"saad ko "If it's for Nathan, then I surely understand"

Tumango naman siya at medyo ngumiti.

"Thank you and I'm sorry"saad niya.

Ngumiti naman ako "It's fine, basta ang mahalaga, nag-usap ulit tayo. Akala ko kasi makakalimutan mo na ako eh"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Guy Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon