Prologue

0 0 0
                                    

PROLOGUE:

Bakit nga ba sa buhay ng tao, may pagkakataong umaabot ka sa puntong hindi mo maintindihan ang sarili mo?. Yung klase ng pakiramdam na ang gulo-gulo, yung tipong magdedesisyon ka ng nakakalito, yung sasabunutan mo na yung sarili mo dahil sa sobrang "frustrated" kana. Yung mapapatulala ka nalang sa isang banda at pagtatawanan kapa nila. Minsan tatanungin mo ang sarii  mo "ako ba talaga to?", "Sino ba talaga ako?". Kapag ayaw mo nang isipin ipipikit mo nalang ang mga mata mo. Pero kahit sa pag-pikit andun pa din yung tinig ng pagkalito. Kahit pilitin mong matulog, hindi ka dalawin ng antok.
Yung ikaw sa sarili mo, na hindi mo na alam kung saan lulugar. Na aabot sa pagkakataong isisigaw mo nalang sa kawalan na "Ang hirap-hirap maging ako". Minsan iisipin mong baliw kana dahil sa iyong pagkalito. "Sino ba ang aking matatakbuhan pagka-ganto ang pakiramdam ko?". Diba ako, kasi ako lang ang nakakaramdam nito. Diba ako lang, kasi wala namang nakakaintindi sa akin, kung hindi ay ang sarili ko. Yan! yan yung mga salitang sa utak ko tumatak. Yung pakiramdam na ikaw lang mag-isa, yung pakiramdam na ikaw lang at walang iba. "Diba ang gulo-gulo". "Sa tingin mo saan ka lulugar sa side ko?".

What Side Of Me?Where stories live. Discover now