CHAPTER 3: MY REAL FAMILY
(Sheena PoV)
"Cathlyn! Cathlyn!". Ang tawag namin sa kanya mula dito sa labas ng kwarto niya.
Isang linggo na siyang hindi pumapasok. Pati ang magreplay at pagsagot sa mga text at call namin sa kanya ay wala kaming natanggap. Nalaman nalang namin kay manang Tess ang lahat ng nangyari. Down na down na si Cathlyn at kailangan niya kami, pero palagi naman niya kaming itinataboy. Kaya napilitan na kami ni Donna na pasukin siya sa kwarto kahit ayaw niya kaming papasukin.
"Cathlyn! Pag hindi mo pa kami pinangbuksan sisirain ko itong pintuan". Inis n malungkot na sabi ni Donna. "Wag mong gagawin yun! Umalis na kayo!". Muling pagtataboy sa amin ni Cathlyn.
Dahil sa na inis na ng sobra si Donna ay walang patumpik-tumpik na sinipa niya ang pinto at bumuwal ito.
Nakabalot ng kumot si Cathlyn. Madilim ang kwarto niya. Patay lahat ng ilaw. Halos walang kabuhay buhay ang aurang masasaksihan mo sa loob ng silid. "Diba! Sabi ko umalis na kayo!". Malat na sabi ni Cathlyn.
"Bakit?.. Hindi kami katulad ng mga parents mo na iiwan ka na lang ng biglaan. Cathlyn! Kung hindi mo kaya ang sakit, andito kami tutulong kami Cathlyn!. Oo alam namin ang pinagdaraanan mo hindi man namin ramdam ang sakit na nararamdaman mo pero nasasaktan din kaming mga kaibigan mo dahil sa ginagawa mo at hindi lang kami, pati na din si manang nag-aalala na sayo ng sobra. Cathlyn ano ba umupo ka nga, harapin mo kami. Kung nahihiya kang humarap sa amin ang sasabihin ko sayo ay hindi mo kami dapat kahiyaan. Nasaan na ba ang Cathlyn na nakilala namin yung mas malakas pa sa amin, ujng kaibigan namin na madalas kaming ipagtanggol, yung Cathlyn na walang kinatatakutan. Nasaan na?". Maiyak-iyak na sabi ni Donna.
Pati ako ay naiiyak na din sa nagaganap pati si manang hindi na napigilan ang lumuha..."Cathlyn! Ako to si manang i....i..iha! wag mo namang ikulong na..nalang ang sarili mo dito. May mga kaibigan ka na naghihintay sayo". Iyak na sabi ni manang.
Napatayo agad si Cathlyn ng marinig ang garalgal na mga tinig namin. Gulat ang kanyang mga magang mata ng makita kaming umiiyak.
"Pwe...de ba wag niyo na akong iyakan". Halos wala nang boses na sabi ni Cathlyn.
"Bakit?. Wag mo ngang solohin yang sakit. Sa totoo lang pati kami nasasaktan Cathlyn!". Hiyaw ko nang sabi at di na napigilan pa ang humagulhol.
"Ahh!". Ang salitang lumabasn sa bibig ni Cathlyn at tumulo na naman ang naparaming luha mula sa magang maga niyang mata.Niyakap namin siya nila manang.
"Alam mo bang namimiss ka na namin. Yung hindi mo pagpasok ng isang linggo, para kaming mga bato. Yung pagtataboy mo sa amin, para kaming tangang hinahanap ka para lang makasama ka. Cathlyn! Hindi pang ikaw ang nasasaktan at nahihirapan masakit di para sa amin na nagkakaganito ang nag- nag-iisa naming kaibigang babae na tigapangtanggol na din namin". Iyak ko pa ding salita sa kanya.
"Sorry!..sorry! Sa inyo". Paghingi niya ng tawad na mawalan na siya ng boses.
"Cathlyn! Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Wala ka namang kasalanan sadyang mapaglaro ang buhay. Kakayanin natin ito". Pagpapalakas ng loob na sabi ni manang Tess. Pagkatapos naming druma-ma ng ilang oras ay nahikayat din namin si Cathlyn na lumabas na ng kwarto niya at gawin na ang mga normal na ginagawa niya.Kumain kami sa dining. Ang sarap ng niluto ni manang. Nakakagaan ng loob.
"So! Cathlyn you are going to school tomorrow. We will wait for you". Donna asked. "Yeah!". She answered while her mouth is full.(Another Day...)
(Cathlyn PoV)
Hayst!.. kung hindi siguro pumunta ang mga kaibigan ko kahapon malamang wala na naman ako ngayon sa sarili ko. Salamat sa kanila at pinaalala nila sa akin na hindi ako palaging mag-iisa. Sila talaga ang tunay kong pamilya.
Ito ako ngayon handa na muling harapin ang landas ko kahit na ganoon ang nangyayari sa akin sa mga nakaraang araw. May sapat na lakas ng loob na ulit ako para harapin ang mga tao sa paligid ko. Hindi madali ang bumangon ulit at ituloy ang buhay ko dahil sa nangyari sa akin. Ngunit kakayanin ko ito para hindi naman masayang ang mga ginawa ng mga kaibigan at ni manang Tess.
Nagsusuot na ako ng aking uniform. Ang uniform namin ay paldang 3 inch ang taas mula sa tuhod na kulay blue. Coat na blue tas white polo ang panloob tsaka blue tie. Naka flat shoes lang ako, ang medyas naman ay hanggang tuhod ang taas. Bagsak na bagsak ang aking buhok. Hindi ko na tinali at hindi naman ako mahilig magtali ng buhok. Naglakad na ako papunta sa garage namin gagamitin ko ang pingale kong motor import pa ito galing America.
( At Academia De Eden)
YOU ARE READING
What Side Of Me?
Mystery / ThrillerPili ka ng isang side ko na pinakagusto mo. mixed po ang genre ng kwentong ito...