Prologue

47 1 1
                                        

[Laura Elisse Lovego] POV

"Hindi ka namin kauri! Mahina ka!"

"Hindi ka tunay na bampira!"


"Salot ka lang dito!"



Ako si Laura Elisse Lovego, 18 years old. Ipinanganak ako noong Pebrero 13. Isa akong bampira, bampirang walang kakayahan na kahit ano. Pero ang angkan namin ay isa sa pinakamalalakas na bampira sa aming lahi.


Lagi nilang sinasabi sa akin na mahina ako, salot ako. Totoo naman tanggap ko na sa sarili ko na hindi ako tulad nila na may kakayahang tumakbo ng mabilis.


Buti na lamang ay may kaibigan akong tulad nina Samantha at Athena.


Samantha Rodionova

Sya ang kaibigan kong may kakayahang makita ang maliit o malayong bagay,hayop o tao. Matalas ang kanyang paningin. Halos lahat naman ng bampira ay matalas ang paningin ngunit kakaiba ang sa kanya. Pareho kaming 18 years old.


Athena Cervilles

Ang isa ko pang matalik na kaibigan, may kakayahan syang maglaho sa iyong paningin o invisible sa wikang ingles ng mga tao. Marami na rin kaming nakukuhang salita sa mga tao, karamihan din sa kanilang mga gawain ay ginagawa na namin.


--

Oo sa mundo kami ng mga tao nakatira, ngunit kaming mga bampira ay may sariling paaralan. Isang tagong paaralan sa isang mapuno at liblib na lugar. Lahat kami ay dito na ipinanganak ng aming mga magulang sa mundo ng mga tao. Ang alam ko ay may tunay na tirahan ang mga bampira, ngunit hindi dito sa mundo ng mga tao. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit dito kami napadpad o kung bakit hindi kami nakatira sa sarili naming tirahan.


Kaming mga natitirang lahi ng mga bampira ay natuto nang gumamit ng taon,araw,linggo at buwan,kaya alam namin kung kailan kami ipinanganak. Marami na rin kaming alam na salitang ingles at tagalog,kaya rin namin basahin ang mga ito. Paminsan -minsan ay pumapasyal kami sa mundo ng mga tao kapag hating gabi na , kapag sarado na ang kanilang mga tindahan o mall na pinapasyalan ng mga tao. Lumulusot kami sa iba't ibang parte ng mall kung kaya't nakakapasok kami dito.


Karamihan sa aking gusto ay ang mga pocket books. Mahilig akong magbasa ng libro, tulad ng mga love storyies at kung ano pa.


Syempre ay hindi mawawala ang mga Casanova at playboy sa aming paaralan. Marami silang kinakagat na babae habang naglalakad o kahit nasa canteen pa. Oo may Casanova at playboy na rin dito. Kasasabi ko lang kanina, marami na kaming nakuhang kaugalian ng mga tao.


To be continued...


~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

#Amea09

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon