Chapter 3

40 2 0
                                        

[Laura Elisse] POV

"And last group, sumakay na kayo dito" sabi sa amin ni ma'am. Nagsi-akyatan naman kami sa bangkang sinasabi ni ma'am.

Nandito na kami ngayon sa lawa ng Pharadis. Lilibutin daw muna namin bago kumuha ng tubig.

"Wow, ang linaw ng tubig dito" namamanghang sabi ni Sam.

"Oo nga haha. Ang cute nung mga isda" sabi ni Ena habang nagpipicture.

Sumilip din ako sa sinasabi nilang isda. Maganda nga at ang cute pero hindi ito mukhang pangkaraniwan.

"It's not a fish it's a frog" nagulat kaming tatlo nang biglang nagsalita si Vien.

"Frog yan? Hindi halata"

"Some living things here is not ordinary" pano nalaman yun Vien?

"Eh? Pano mo nasabi? Nakapunta ka na ba dito?" sang-ayon ako sa tanong ni Ena.

"Yup, I know this place since I was 10 years old" wew,

"Tell us more" sabi naman ni Sam. Nakinig na lang ako sa kwentuhan nila.

"Somewhere here is connected to our real world or Vampire world. But no one can't find it, they said there's a portal here that will lead you to go back in the Vampire world, and they also said that only the princess can open the portal with her Royal Blood" princess?

"Bakit? Hindi pa ba nahahanap ang prinsesa?" tanong ni Sam.

"Hindi pa" pagkatapos nun ay hindi na sila nagsalita pa.

Papasok daw muna kami sa Kweba ng Phyra, dahil ang loob daw nun ay mayroong mga buto ng mga namatay na mga werewolf at bampira. Marami rin daw mga ginto at mamahaling bato na nakadikit sa bawat parte ng Kweba.

Nakatitig lang ako ngayon sa malinaw na tubig ng Lawa.

Kununot ang noo ko nang may makita akong babaeng may buntot sa ilalim ng tubig. Pagkuwa'y nakatitig ito sa akin at nakangiti. Sinasabayan nito ang pag-andar ng aming bangka.

"Sam,Ena may sirena" lumingon naman silang lahat sa akin dahil sa sinabi ko.

"Oh emm oo nga! Ang ganda ng buntot nya" masayang sabi ni Sam ngunit biglang lumangoy palayo ang sirena palayo.

"Aww. Sam ang ingay mo daw kasi eh!" nang-aasar na sabi ni Ena kay Sam.

"Grabe kayo ha!" tinawanan lamang namin siya.

Napansin kong tahimik nanaman si Vien. Ganun na lang ang gulat ko nang lumingon siya sa akin, kaya iniwas ko ang aking paningin.

"Nananahimik ata sila Chandria at mga alipores nya?" bulong sa akin ni sam. Oo nga napansin ko din yun, parang nananahimik yung tatlo. Baka wala pa sa mode mang-asar.

"Nagugutom na ko" sabi ni Ena habang hawak pa ang tiyan. Napailing na lang si sam sa inasal nya.

"Diba kakakain lang natin bago tayo umalis?" pagpaparinig niya kay Ena.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon