[Laura Elisse] POV
"Hey gising na Elisse!" sarap pa ng tulog ko eh.
"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya, 8:00pm pa naman ang pasok namin.
"7:00pm pa lang naman" maaga pa pala eh may isang oras pa bago ang klase, malapit lang naman ang building namin dito sa dorm namin.
Ang tunay na bahay kasi namin ay sa labas ng University pero malapit lang naman. Nasa mapunong parte pa rin naman ng kagubatan.
Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili, baka mamaya ay mabungangaan nanaman ako ni Samantha for short Sam galing ko mag-english diba?
"Sam? Nasaan si Athena?" napapansin ko laging wala si Athena tuwing gumigising ako.
"Kasama nya yung boyfriend nya" ah, kaya pala. Oo tama kayo ng dinig may boyfriend si Athena, uso din ang boyfriend dito.
"Sino ang maswerteng lalaki?" tanong ko naman kay Sam.
"Jake ata ang pangalan 'nun" as usual may bago nanaman syang boyfriend.
"Hindi pa nga nya naipapakilala yung isa may bago na agad?" oo tama ulit kayo ng basa, paiba-iba ng boyfriend 'yang si Athena or Ena (ina po ang pagbasa sa Ena). Pero kahit ganyan yang si Ena mahal ko pa rin yan.
"O sya! Tara na at 7:48pm na pala"
Marami-rami na rin ang pumapasok. Bawat room kasi ay mayroong 25 na estudyante. Unang pasukan ngayon, siguradong bago nanaman ang magiging mga kaklase ko. Pero mas sigurado akong kilala na ako ng buong University bilang Elisse the Weakest. Syempre kung sa school ng mga tao ay may mga bully, meron din dito sa sa amin.
Room 203 nga pala ako, nasa 4th floor pa 'yun, mabuti na lang at may elevator dito sa amin. Hanggang 5th floor kasi ang building namin. At ang iba pang building ay hanggang 3rd floor lang. Yung dorm naman namin ay hanggang 4th floor for girls only. At sa boys naman ay hanggang 4th floor din.
Sumakay na kami ni Sam sa Elevator sya na ang pumindot ng floor kung saan kami aakyat. Hindi ko alam kung bakit may pa-elevator pa sila sa school namin. Eh, sure naman ako na kayang-kaya nilang akyatin ang buong building ng walang kahirap-hirap, well maliban sa akin.
Pagdating namin sa room ay medyo marami na din ang nasa loob. Mabuti na lang pala at magkaklase kami nila Sam at Ena.
"Oh? Classmate pala natin si Elisse the Weakest?"
"Hindi sya nararapat sa section na to' ,duh?! She's weak!"
"But I'm glad she's here, I have a toy!"
"Wag' mo silang pansinin Elisse" sabi sa akin ni Sam, kahit naman hindi nya sabibin yun pa rin ang gagawin ko. Siguro umaasa ako na titigil din sila?
"Good Evening, I am Ms. Veronica Guinci. Can you please introduce yourselves infront please? Let's start with the first row" buti pa si ma'am straight english, pero syempre naiintindihan namin yun.
BINABASA MO ANG
Vampire University
مصاص دماءIsang tagong paaralan, kung saan nag-aaral at tumitira ang mga natitirang lahi ng mga bampira. Isang paaralan kung saan may mabubuong istorya ng isang dalaga at binatang bampira na mamahalin ang isa't isa... Vampire University by:Amea09 Year 2018