Chapter 2

33 1 3
                                        

[LAURA ELISSE] POV

Nagising ako'ng bigla mula sa isang masamang panaginip. Oo nananaginip din kaming mga bampira, yun nga lang ay lahat ng panaginip namin ay nagkakatotoo.

Sinilip ko ang orasan at nakita kong 3:11am palang. Mga ilang oras pa lang pala ako nakatulog. Mukhang mamaya pa ako makakatulog, dahil sa masamang panaginip na 'yun.

Lumabas muna ako ng kwarto para magpahangin. Madilim pa ang kalangitan. Wala pa ako'ng makitang bakas na pasikat na ang araw.

Naisipan 'kong tumambay muna sa silong ng mga puno sa likod ng building ng dorm namin.

Muling humangin ng malakas, mabilis namang nagtindigan ang mga balahibo ko at naalala ang nangyari kani-kanina lang.

May naaninag akong lalaki na nakatayo malapit sa inuupuan ko. Hindi ko nga lang sya makita dahil wala naman akong kakayahan na makakita sa dilim tulad ng ibang bampira.

"Sino ka?" naglakas loob akong tanungin sya, pero sa totoo lang ay nanginginig na ako sa kaba.

"Magkausap lang tayo kanina, kinalimutan mo na agad ako?" tama nga ang hinala ko na sya yung lalaki kanina.

Bigla na lamang syang nawala sa paningin ko. Akala ko ay tuluyan na syang umalis ngunit naramdaman ko na lamang ang kanyang hininga sa leeg ko.

"A-anong g-ginagawa mo?" nangangatal na ang mga kamay ko sa takot.

"You smells good Laura" bulong nya sa kanang tenga ko.

"P-paano mo ko n-nakilala" gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil nakuha ko pa talagang magtanong sa gitna ng sitwasyong ito.

Pero sa halip na sagutin ang mga tanong ko ay pinagpatuloy na lamang nya ang pag-amoy sa leeg at buhok ko. Gustuhin ko 'mang tumakbo ay hindi ko magawa dahil parang hinihigop nya ang buong lakas ko.

"W-what are you doing to me. B-bakit hindi ako makagalaw" pakiramdam ko ay isa ito sa kanyang mga abilidad.

"I hope you taste like strawberries, I can't wait to take you with me" ano bang sinasabi nya?

"A-anong ibig mong sabihin?" naramdaman kong lumuwag na ang pagkakahawak nya sa akin.

"I can't wait to take you with me Laura, just remember that you are only mine" hindi ko talaga maintindihan hindi yung salitang ingles nya pero ang mga sinasabi nya.

"Hindi nga kita kilala tapos sasabihin mong pagmamay-ari mo ko?"

"You know me Laura, once you see me. But not now" pagkatapos ay bigla na lamang syang nawala.

Luminga-linga pa ako sa paligid pero wala na ang kahit presensiya nya. Napabuntong hininga na lang ako.

Bakit 'nung nagpakita ulit sya sa akin ay nabawasan ang takot ko sa kanya? Magkikita pa kaya kami?

Bumalik na lang ulit ako sa kwarto namin at muling natulog.

"Elisse!!!" naalimpungatan ako sa lakas ng boses ni Sam. Anong problema ng mga bampirang ito?

"Bakit?" tanong ko habang kinukusot-kusot pa ang aking mga mata.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon