BG III

144 9 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Putangina, hindi nanaman ako makagalaw. Nag-iinit ang katawan ko. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib, tulad sa mga kaparehong araw na nababalot ako ng lungkot, poot, at takot. May gustong kumawala sa mga palad ko, ngayon din.

Padami sila nang padami. Sabay-sabay silang naglalakad palapit sa akin. Nanindig ang mga balahibo ko nang mahawakan ako sa braso. Hindi ko na napigilan, kumalat ang makapal usok sa paligid.

Nandidilim ang mga paningin ko, halos tumalon na palabas ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Napakadaming emosyon ang naglalaro sa damdamin ko't isipan pero nananaig doon ang galit. Galit na galit ako. Gusto ko silang sakalin. Gusto ko silang saksakin isa-isa.

"Sana," nanghihina man ay nagawa ko pa ding bigkasin, "mamatay na sana kayong lahat."

Hapong-hapo na ako at hindi na katakataka kung bakit ako natumba. May kung anong mainit na pwersa ang patuloy na kumakawala sa palad ko, sa buong katawan ko. Namimilipit ako sa sakit. Hindi ko mabilang ang minuto o oras na nakalatay sa sahig habang pinapanood ang unti-unting pagkawala ng usok. Nagawa ko nanaman.

Ubos na ang pasensiya ko. Ubos na ang konsensiya ko. Wala na din akong lakas. Patuloy na bumibigat ang aking katawan sabay nang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Anumang mangyari sa akin, wala na akong pakialam.

Huwag kang maingay, baka magising siya.

Eh, kailan pa siya magigising? Tatlong araw na siyang tulog.

Please, let her sleep more.

Nauubos ang oras natin dito, Silver. Kailangan na nating bumalik ng akademiya.

Naalimpungatan ako sa mga nadinig na boses. Sinubukan kong buksan ang aking mga mata at nasilaw naman ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Iginala ko ang paningin at napansing ako'y nasa isang puting silid. Nasa ospital ba ako? Paano ako napunta dito? Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at iniupo ang sarili.

Isang binata ang taimtim na nakatitig sa akin. Kulay asul ang mga mata nito pati ang buhok, matangos ang ilong, perpekto ang panga, malinis siyang tignan. Ang gwapo.

"Buti naman at gising ka na. Ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin at dahan-dahan akong tumango.

"Done checking my boyfriend sissy?"

Lumapit sa amin ang isang babae. Mahaba at maalon ang pula niyang buhok na may puting highlights, maliit ang mukha, at porselana din ang balat. Nga lang, kakaiba ang tingin nito sa akin. Para niya akong hinuhusgahan.

Nabalik ako sa wisyo at naramdamang muli ang pananakit ng katawan ko. Napapikit na lamang ako sa sakit ng ulo. Nang magdilat ako ng mga mata ay nagtama ulit ang paningin namin nung babae.

Ang cute niya. Mukha siyang gulat. Medyo may hawig siya kay Celine dahil bilugan ang mga pisngi nito - parang siopao.

"I'm not SIOPAO!"

"Pfft. AHAHAHAHA" Malakas ang pagtawa ng lalaking blue ang buhok at blue ang mata.

Sinamaan siya ng tingin ng babae. Ngumuso ito at pinagkrus ang mga braso na parang nagtatampo. Ang cute talaga. Gusto kong pisilin ang mga pisngi niya.

Biglang napahawak ang babae sa pisngi, saglit akong dinapuan ng tingin bago siya umalis. Weird. Kanina pa ako nakakaramdam ng iba sa kanila pero hindi ko maipaliwanang kung ano iyon.

Isa pang pigura ang lumapit sa akin. Nagtama ang aming mga mata, sigurado akong nagkita na kami. Nakita ko na siya noon. Pilit kong inalala ang mga nangyari pero sumasakit lamang ang ulo ko.

Ah, naalala ko na! Hindi pwede. Siya nanaman. Hinawakan ko ang kumot at hinanda ang mga paa sa ilalim sakaling kailananganin ko nang tumakbo. Stalker ko ito eh. Matagal niya na akong minamanmanan at hindi ko matukoy kung bakit. Ang alam ko lang, kailangan ko nang umalis dito.

Pinakiramdaman ko ang kapangyarihan at may lumabas na puting usok sa mga palad ko.

"Sana..." Sana makaalis na ako dito.

Laking gulat ko nang ihinangin ang usok ko palayo. Hindi natuloy ang pagtakas ko dahil sa hanging nanggagaling sa kaniya. Anong ibig sabihin nito?

"Hindi mo naman ako balak takasan ulit, hindi ba Benevelle?" May halong pagtitimpi ang pagkakasabi niya. Nakakainis, siya nga. Walang duda.

"You two know each other?" Sabi ni Blue - Blue kasi blue iyong mata tsaka buhok.

Napahagikhik nang kaunti iyong babae at napaiwas bigla ito ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Weird.

Ah, basta! Kailangan ko nang umalis dito. Lalo ko pang nilakasan ang usok mula sa palad at itinuon ang isip sa pag-alis sa lugar. Kahit wala naman akong mapupuntahan. Inis akong napatingin sa lalaking mahangin at nakitang nakangisi ito. Hindi ako makaalis dahil patuloy niyang ihinahangin ang kapagyarihan ko.

"Sino ka ba? Ano bang problema mo!" Gumana ka please, gumana ka. Para akong tanga na kinakausap ang usok.

"Benevelle," binanggit ng lalaking mahangin ang pangalan ko na may halong lungkot.

"Anong kailangan niyo sa akin?" Malalim akong huminga at tinignan siya sa mata, "Please, maawa na kayo sa akin. Paalisin niyo na ako, wala akong pambayad sa ospital. Patakasin mo na ako."

I AM A BAD GENIE.

"Anything but that, Benevelle." Hindi ko maintindihan ang tono niya. Para bang matagal niya na akong kilala, matagal akong nawalay sa kaniya at ngayon lang niya ulit ako nakita.

"Ikaw! Ikaw ang kailangan namin." Sumali sa usapan iyong babae at may lumabas na bolang apoy sa mga palad niya. Ipinikit ko ang mga mata dahil baka namalikmata lang ako, pero hindi.

Napatakbo ako sa pinakamalapit na bukas na bintana pero hinabol ako ng mga bolang apoy kaya kung saan saan ako napaliko.

Nakangiti ang babae habang pinapanood akong tumakbo.

"Stop it, Fiona." Mahinang suway sa kaniya nung lalaking mahangin.

"Then, stop me, Silver." Paghahamon nung babae pabalik.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa hingal.

"Sino ba kayo?"

"Ako si Blue!" Masiglang sabi nung lalaking blue ang mata at buhok. Sinamaan siya ng tingin nung Fiona kaya napatikom ito ng bibig at napataas ng dalawang kamay.

"Kilala mo ako, Benevelle."

"NO. Hindi kita kilala!" Nagulat iyong lalaki na may kapangyarihan ng hangin. Tinitigan ako nito at bakas ang pagkadismaya sa kaniyang mga mata. Nawala na ang hangin na inilalabas niya.

Pagkakataon ko na, "Sana makaalis na ako dito."

Lumabas ang usok sa mga palad ko subalit napahawak ako sa ulo dahil dama kong parang mabibiyak ito. Ang sakit. May iba't ibang imahe ang pumapasok sa utak ko. Sinusubukan kong kilalanin ang mga alaalang ito subalit lalo silang lumalabo.

Malakas kong naririnig ang tibok ng puso ko. Tuluyan na akong madadapa sa sahig pero may pumigil sa akin. Inalalayan niya ako gamit ang mga bisig niya.

Bago pa man ako mawalan ng malay, hinayaan ko ang sarili na tumitig sa kaniyang mga mata. Kulay abo ang mga ito. Ang kulay na paborito ko.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now