Make use of the time to study hard. You wouldn't know how it will have an impact on your life in the future."
***
SASKIA's POV:
Martes ng umaga, nagkaroon ng career orientation ang school namin. It was exclusively for 4th year college students. Dito inorient ang mga dapat alalahanin sa pag-aaply ng trabaho. It trained your skills and such things on how to be a professional in work. How you can present your self with good qualities. Importante ito para sa aming future kaya todo pakikinig ang mga studyante maliban sa akin.
My mind was out there, wandering and searching for someone. I sighed, it's impossible to find that person lalo na pag maraming studyante ang pumuno sa gym ng araw na yun. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin malilimutan ang nangyari ng araw na yun. Dala-dala ko pa rin ang konting kaba sa tuwing maiisip palang ang mga matang iyon. Pero mas nangingibabaw ang kuryosidad ko sa misteryosong pagkatao ng lalaking iyon.
FLASHBACK
"Who are you?"
Maski ang boses nito ay malamig din parang nangangain ng tao. OA man pakinggan pero that's what she felt right now. Gayunpaman, pinilit niya ang sariling wag matakot dito. Who knows kung ano na ang tumatakbo sa isip nito ngayon.
"I'm no one," cold din na sabi niya. Gusto niyang palakpakan ang sarili sa pagsagot nito na hindi tumunog ng parang ewan pero wag na lang. Lalo pa't mukhang hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Kita niya ang pagsalubong ng mga kilay nito. Pero ang mga mata nito ganun parin sa ayos. Napakalamig, iyong walang emosyon na masisilip.
"Go."
Ha? Ano daw? Pinapaalis ba siya nito? Ang kaninang kaba ay napalitan ng inis. Sino to para utusan siya? Ni hindi nga sila magkakakilala, kaya wala itong karapatan para paalisin siya sa lugar kung saan siya dapat magpapahinga pansamantala. Sa kanilang dalawa, ito pa nga ang dumisturbo.
"Tss."
Makaraan ang ilang minuto ay hindi na niya matagalan ang nga mata nitong nakatutok sa kanya kung kaya't siya na ang nagkusang magbawi ng tingin. Somehow, nakakaintimidate ang presence nito pero hindi na siya natatakot. Kung may gawin man itong masama, kanina pa sana siya nito ginawan ng di kaaya-aya.
BINABASA MO ANG
A Peculiar Love
General FictionMay basehan ba ang pag-ibig? Because even a two persons in a different world knows how to love.