When life push you into complicated things, don't give up and just smile."
***
Nagising si Saskia sa tunog ng alarm clock. Pagtingin niya pasado alas sais na ng umaga. 7:30 pa naman ang pasok niya kaya dali-dali siyang pumunta ng banyo upang maligo na at makapag ayos. Nakakapagtaka at wala siyang narinig na maingay na boses ni Lizana. Ito kasi ang tiga gising sa kanya sa umaga. After 20 minutes ay natapos na siya, paglabas niya galing banyo ay deretso agad siyang nagbihis at nag ayos. Konting pulbo at lip balm ay ayos na.Nag toothbrush na rin siya, napatingin siya sa note na nakapaskil sa salamin ng banyo. Sulat kamay ni Liz na nagsasabing mauuna na daw ito kasi may dadaanan pa sa library. Pagtingin niya sa relo ay 6:45 na. No choice mamaya nalang siya kakain. Kinuha niya ang mga gamit at lumabas na ng dorm. Sinigurado niya muna na naka lock ito bago umalis.
Naglalakad na siya sa hallway ng makita niyang nagtatakbuhan ang mga studyante palabas. Napakunot noo nalang si Saskia sa parang rambulan na naganap. Anong meron? May bumagsak bang spaceships at nagkalat na ang mga alien sa lugar nila? O di kaya'y may Zombie Apocalypse nang nagyayari at huli na siya sa balita? O baka naman End of the World na? Shit. Kailangan niyang hanapin si Liz kung ganun, kaya nakitakbo na rin siya kasama sa kumpol na mga studyante baka nakisama na rin ito sa mga nagtatakbuhan.
"Miss, anong meron at parang atat silang tumakbo palabas?" tanong ni Kia sa babaeng may salamin sa mukha habang tumatakbo sila.
"Malay ko, nakitakbo lang din naman ako," sagot ng babae. Taray, pareho pala sila. Anyway, it's one way to find out so she ran at speed and followed the path where these students eager to go.
Pagkarating dun ay agad niyang nilibot ang paningin. Wala naman siyang nakitang mga aliens ah? Pati mga zombies wala din. Nasayang lang pala ang pagmamadali niya sa pagtakbo, wala naman napala. Nagdesisyon siyang bumalik nalang sa loob at pumasok sa classroom baka ma late pa siya. Akmang tatalikod na sana siya ng biglang sumigaw ang mga babae at nag uunahan sa tulakan ang iba.
Huh? May artista bang paparating? Sinundan niya ng tanaw ang tinitingnan ng mga studyante at ganun na lang ang pagkairita niya ng makita ang apat na lalaking may pakana ng lahat. Takte. Ano ito? F4 lang ang peg, kakaloka. Tama nga ang sinabi niyang sakit lang sa ulo ang mga lalaki. Nakakainis.
Tumalikod na siya agad at naglakad papuntang room. Wala siyang mapapala dito, aksaya lang ng oras. Napatingin siya sa wristwatch at ganun nalang ang kaba niya ng may 5 minutes nalang siya. Malayo pa naman ang room nila nakakainis talaga.
---"Okay class. We have here a new students. Let's welcome them and be nice."
Napaangat ng ulo si Saskia mula sa binabasang notes ng magsalita ang professor nilang si Mr. Kim. Kasabay naman dun ang biglang pagkaingay ng kaklase. Mukhang alam na niya kung sino ang mga ito base na rin sa reaksyon ng mga girls. Great. Makakaklase pa niya ang mga ito, badtrip.
Sabay na pumasok ang apat na lalaki at agad na pumwesto sa harapan nila upang magpapakilala siguro dahil tinanguan lang ito ng prof. nila. Unang nagpakilala ang matangkad sa kanila. Pansin niyang may pagka tsinito ito at mukhang mabait.
"Hi. I'm Ace Zane Altamarra, 20 years old at your service," sabay bow nito sa kanila at ngumiti.
Napatakip naman siya ng mga tenga ng marinig ang nakakarinding sigaw ng mga kaklaseng babae. Shit. Kailangan talaga sabay-sabay? Too bad hindi niya kaklase si Liz ng araw na iyon kundi baka pati rin ito maiirita.
"Ehem. Jack Zane Altamarra, here. The most handsome man than them."
"Mukha mo. Mangarap ka nga ng gising," sabi nun mukhang masayahin na lalaki.
BINABASA MO ANG
A Peculiar Love
General FictionMay basehan ba ang pag-ibig? Because even a two persons in a different world knows how to love.