A/N:
Another part...
Vote, comment po..
Salamat....
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa ibang direksyon sila pupunta???
Hindi naman dun yung bahay namin…
Sinundan ko kung saan sila pupunta…
Dun ko nasigurado na hindi sila sa bahay naming pupunta…
Sumakay sila sa bus papuntang Laguna.
Kaya sumakay din ako pero sa malayo sa kanila…
Hindi pala sila sa akin magsosorry…
L
Bumaba na sila at sumunod lang ako sa paglalakad nila
Ano ‘to??
Bakit sila dyan pumasok??
Akala ko ba magsosorry sila???
Bakit ditto???
Nakita ko silang tumigil sa harap ng isang puntod….
Unti-unting pumatak yung luha sa kanilang mga mata..
Na-curious ako at hindi ko na kayang pigilan…
Lumapit ako sa kanila..
Hanggang nasa likod na ako ni Rey..
Aba, bising bisi ang ang mga ‘to.
Ni hindi man lang ako pinanapansin…
Tinignan ko kung kaninong puntod yung pinuntahan nila…
Bakit ganito???
Walang nakasulat..
As in blanko…
Naisipan ko silang itext…
“Uy! Nandito ako.. Pansinin niyo naman ako.”
Hindi pa nila binabasa yung text ko kaya nagtext ulita ako…
“Kanino bang puntod yang iniiyakan niyo??”
Tsaka lang nila kinuha yung cellphone nila at binasa yung text ko…
Nagkatinginan sila at sa paligid nila..
Binasag ni Ian ang katahimikan..
“Carl, pinapatawad ka na namin. Ok lang naman sa amin na makalimutan mo yun anniv. natin eh . Nagtatampo pero hindi kami nagalit.”
Naguguluhan ako..
Bakit sa puntod nakatingin si Ian habang nagsasalita at hindi sa akin???
Nagsalitang bigla si Rey…
“Carl patahimikin mo na kami. Kng nagtatampo ka man o may nagawa man kaming kasalanan sayo, patawarin mo na kami.
Pinagpatuloy ni Rose ang pagsasalita
“Sorry kung isang linggo ka naming pinaghintay sa tambayan natin. Sorry rin kasi hindi ka naming nirereplyan. Alam naming nag alit ka sa amin.”
Bigla akong napatingin sa puntod. Unti-unti ng nagkakaroon ng letra. Unti-unti ko ng nababasa ang nakasulat. Habang iniintay kong mabasa yung nakasulat, patuloy pa rin sa pagsasalita si Rose.
“Carl alam naming na nandito ka. Tignan mo ‘tong mga text mo sa amin.”
Lumapit ako sa kanya at tignignan ang screen ng cellphone niya.
“Nakikita mo ba ‘to?”
Nagulat ako nang makita ko ang nakalagay sa text ko. Walang number yung sender.
“Kahit anong gusto naming, hindi ka naming narereplyan kasi wala kang number na gamit”
Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko…
Nagmadali akong kunin yung cellphone ko sa bulsa….
Binuksan ko ang likod nito…
Wala na itong lamang battery….
Wala pa ‘tong lamang sim card…
Biglang sumakit ang ulo ko..
Napahawak ako ditto at napasigaw sa sobrang sakit…
Parang may nag-uutos sa akin na tignan ang nakasulat sa lapida..
Pinokus ko ang mata ko sa lapida at binasa ang nakasulat…
Carl J. Antonio
Born: Sept. 9, 1990
Died: Dec. 12, 2011
“Ano ‘to???”
“Hindi ko maintindihan.”
BINABASA MO ANG
Message Sent (Short Story)
Short StoryNabubuhay ka ba sa isang buhay na malungkot???? Kasi ako hindi... Kaya pakibasa na lang nito...