Message Sent (Short Story) [5.6]

35 2 0
                                    

 A/N:

Happy Reading!!!!!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Bakit ganito ang nangyayari?”

Hindi ko napansin na tumutulo nap ala ang luha ko..

Nagsalita si Yssa..

“Kaya hindi mo kami Makita sa bahay namin kasi pinuntahan ka naming sa Laguna. Magkakasama kami noon sa tambayan natin nang matanggap naming yung text mo na “’wag kayong aalis dyan. Anyayin niyo ako. Papunta na ako.” Inantay ka naming doon ng 3 oras. Habang inintay ka naming, natanggap namen yung tawag ng mama mo. Tinatanong kung kasama ka na namin. “

Ang tahimik na si Tricia ang nagpatuloy ng pagsasalita…

“Sinabi naming na hindi pa. Dun na kami nagsimulang magtaka kasi naisama mo na kami sa Laguna dati. Kahit medyo trapik mga 2 oras lang ang byahe natin. At ibinalita sa TV na hindi trapik sa dadaanan mo pauwi noong Dec. 12.”

Ang sakit ng ulo ko…

“Umuwi na kami bago matapos yung balita tungkol sa trapik. Kinaumagahan, natanggap naming yung tawag ng mama mo. Sinabi niya sa amin na wala ka na. Hindi ako makapaniwala sa narinig kong yun. Noong araw ding yun, napagdesisyunan ng barkada na puntahan ka namin dun sa Laguna dahil dun ka daw ibuburol. Mas marami ka kasing kamag-anak doon. Limang araw kaming nandoon. Bago kami maka-uwi habang sakay kami ng bus, dun kami nagsimulang makatanggap ng text mula sayo.”

Hindi pa tapos magsalita si Tricia ay naglakad na akong palayo sa kanila. Gulong-gulo ang isip ko noon.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari at sa mga nalaman ko ngayon.

Hindi pa rin ako naniniwala sa mga sinasabi nila.

Wala naman kasi akong naaala na naaksidente ak-----

FLASHBACK

Nang mabasa ko yung text ng tropa ko, napagdesisyunan ko nang puntahan sila doon.

“Ma!!! Bilis na. pahiram lang ako ng sasakyan. May license na naman ako ehh..”

“Hindi pwede. Gabi na ohh. Baka maaksidente ka pa”

Nagkunwari akong naiyak.

“Bilis na, Ma!! Pa!! Pahiramin niyo na ako. Mahal na mahal ko naman kayo ehh”

“Sige na nga. Kung hindi lang din kita mahal. Basta anak, mag-iingat ka ha!!”

Tumakbo na agad ako sa kotse namin at pinaandar ito.

Tinext ko agad ang tropa na pupuntahan ko sila sa Manila.

Nagreply ang tropa at sinabing “Okay!”.

Masaya akong nagmamaneho noon, wala kasing trapik..

Tinayp ko sa cp ko..

“Kaya mahal na mahal ko kayo ehh!!!”

Nang isesend ko na, biglang tumigil ang truck na nasa unahan ko.

Hindi na ako nakapreno…

Tapos wala na akong maaalala..

Wala na akong pakialam kung saan ako dadalhin ng paa ko ngayon.

Basta malayo lang sa katotohanan na nagyayari ngayon sa akin..

Napapikit ako nang sumakit na naman ang ulo ko..

Pagkamulat ko…

Nasa harapan na ako ng puntod ko..

Iyak pa rin sila ng iyak.

Naisipan kong itext sina Mama at Papa pero wala akong number nila..

Limang tao lang nakaregister sa Phonebook ko..

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Sorry po kung next week pa yung last chapter...

Para mabitin naman kayo

Message Sent (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon