PROLOGUE with CHAPTER ONE

3 0 0
                                    


Halos lahat tayo naranasan na ang pag-ibig. Minsan

nakakairita sa una pero habang tumatagal gumaganda

ng gumaganda. Minsan naman maganda lang sa una, sa
pagtagal pangit na. Naranasan niyo na bang na-love at

first sight. Hindi mo pa siya kilala masyado, mahal mo

na siya. Nakilala mo siya sa nakakairitang ugali niya

pero habang tumatagal, lumalapit na ang loob niyo sa

isa't isa, kaibigan mo na siya hanggang sa naging

karelasyon mo na siya.♥

•••

Hi, Ako si Jessamine Garcia. Jessa for short. 15 years of age. Mabait (minsan), tamad (minsan), makulit, matalino, masayahin and madaldal. Maputi at medyo matangad. Middle class ang type ng buhay. Favorite color: Blue. Favorite food: Burger Steak. Favorite dessert: Ice cream. Fourth year High School. May isang kapatid, Kuya Julius.

"Ma, magagawa ko nga !! Pls."

Humihingi ako ng magagawa kay Mama, ang boring kasi eh.

Tumingin naman sakin ng seryoso si Mama. Eh, tamad ako eh. Kaya himala na mangyari na gagalaw ako ng sobra.

"Anak, higa ka nga. Parang masama pakiramdam mo. Akyat ka na."

Grrr. Sabi na nga ba, eh.

"Ma naman !! Sige na ah. Nakakatamad manood. Ang old rin naman ng pinapanood niyo. Parang panahon niyo pa yan eh. Black and White"

Ehh. Tama naman. Nakakainis. Walang kakulay-kulay tapos barilan pa. Natagong cd raw nila Mama at Papa yan noon. Super Throwback naman. Sila lang nanonood ni Papa.

"Kumain ka nalang. May ice cream dun, cookies and cream"

Whoo. My favorite. Ice cream - Cookies and cream pa. Actually, marami akong favorite na food pero pinaka - favorite ko ice cream. Ang takaw ko nga kumain pero di ako mabilis tumataba.

Nakita ko naman yung ice cream sa lamesa. Inubos ko na lahat, kumain na raw si Kuya. Ang takaw ko naman. ^_^

"Ma. Ubos ko na."

"Akyat ka na. Wala ka nang gagawin."

Sige na nga, aakyat na ako. Wala rin namang magagawa dito sa baba eh. May sarili rin naman akong tv sa kwarto ko. Bakit di ko kaya naisipan yun ??

Pag-akyat ko, humiga na ako at binuksan agad yung tv kasabay narin nung aircon. Humanap ako ng magandang mapapanood at tenen - wala. Malas. Humanap nalang ako ng cd ko at pinanood yung isang korean movie. Eto nalang yung cd ko na hindi ko napapanood.

Nasa gitna na ako ng movie ng may biglang tumawag.

"Hello Bestie ??" Ako

"Bestie. Papasok ka ba bukas??" Glezel

"Oo Bestie, bakit naman ako mag-aabsent."

"Eh, noon, hinintay kita sa school tas absent ka pala. Di ka man lang nagpa-alam."

"So, principal ka noon ?? Kailangan pahintulot mo ??" pang-aasar kong sabi.

Narinig ko naman siyang tumawa. "Cge na, bye. Pasok bukas."

Binabaan ko na siya. Pinanood ko nalang ulit yung korean movie..... At tapos na. Sinara ko na yung tv.

Sinaksak ko nalang yung earphones ko sa tenga ko at nakinig ng music. Binuksan ko naman yung cellphone ko at nag-facebook. Hindi rin adik yung mga classmates kong maglike, noh. 70 notifications. Eh kakabukas ko lang kanina bago magtanong kay mama kung anong magagawa. Likes pa nila lahat, wala man lang comment at share. Sabagay, nag-upload ako kanina ng picture ko, tatlo lang naman.

Bigla namang nag-chat sakin si Rick na nanliligaw sakin.

Rick : Uyyy. Musta??

Jessamine : Siguro patay na

Rick : Nagtanong ako ng seryoso

Jessamine : Eh, sumagot rin naman ako ng seryoso

Rick : Seryoso ba yun??

Jessamine : Malamang, joke ba yun ?? Linagyan ko ba ng
"haha" ?

Siguro nainis siya dahil di na siya nagreply.

At sumunod namang nakipag-chat sakin si Glezel.

Glezel : Bestie, nagsumbong sakin si Rick

Ewan ko dito sa babaeng to. Mas kinakampihan pa si Rick. Cge, ako na ang masama.

Jessamine : Ewan ko ba sa inyo!!!! Haha. Wow bestie ah,
ngayon lang kumampi sa pangit.

Glezel : Oo nga, napilitan lang rin talaga ako.

Oo, Pangit talaga si Rick. Haha. Ganyan talaga kami ng bestie ko mapanlait. Pero syempre, hindi lang naman siya ah yung kaibigan ko, marami rin. Pero siya yung pinaka-close ko.

"Anak, tulog ka na" Mama

"Ma, kumatok naman oh, kakagulat"

"Matulog ka na. Gabi na."

"Sige po"

Nag-logout na ako sa facebook at tinabi na ang cellphone ko. Sinet yung alarm clock at humiga na. Tapos natulog na.

LOVE AT FIRST SIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon