CHAPTER FOUR

0 0 0
                                    


Nakapagsimba na rin. Hmmm, gagawin ko na ang dapat kong gawin, MAGLALAKAD. Gagawin ko na tong hobby. Wait, may isa pa pala akong gagawin, KAKAIN.

"Ma. Anong pagkain ??"

"Burger Steak, nag-order ako kanina sa Jolibee, nung nagsimba ka."

Woww! Burger Steak ba yung narinig ko ??? FAVORITE!!

Tumakbo ako kaagad sa kusina at kumain na. 2 mins. lang naubos ko na. Hmmmmmm. Sarap.

"Ma. Sana dalawa sakin" sabay pout ko

"Ano ka ba naman Anak ......."

Sana di nalang ako nagsalita, magsisimula na naman ang pagleksyon ni Mama. Palit nga muna ako. Umakyat ako sa taas. Nagpalit na ako - t-shirt na blue at shorts (hindi naman ganun kaiksi) Nag-walking na ako. Sana naman maganda ang araw ko. Linagay ko yung earphones ko sa tenga ko at nagpatugtog-tugtog. Pagdaan ko sa court, natamaan ako ng bola, sa paa. Hindi naman ganun kasakit. Pero may kasalanan ba ako sa inyo ?? Di naman ako nangingistorbo ah?? Galit ??

Hindi na nga ako bumaba sa court kasi alam kong may naglalaro, nasa taas nga lang ako. Pero natamaan pa ako !!!

"Ahy. Sorry Miss."

Pagtingin ko sa lalaki, nanlaki agad ang mga mata namin at sabay naming sabi "Ikaw ??"

Haay, galit po ba kayo sakin Lord ?? Palagi ko nalang po siyang nakikita. Mr. Asungot, wag mo naman sirain ang araw ko.

Naglakad ako papalayo para hindi ko na makausap ang lalaking to, tatarayan ko pa sana,  kaso nga lang. Wag na! Nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko para pigilan at binato yung bola sa mga kasama niya "Kayo muna maglaro, balik nalang ako" Ano namang gagawin ng lalaking to sakin ? Kikidnapin ba niya ako?

Napansin niya yata yung pagkagulat at pagtataka sa mukha ko. "Huwag kang matakot." Huminga ako ng malalim. Eh, mabait rin nama-- "May kasalan ka pa sakin" Oh. Oh. Kailangan ko nang tumakas baka kung ano pang ipagawa ng lalaking to sakin. Nag-isip nalang ako ng masasabi ko para makatakas. "Ahy. Oo nga pala. May gagawin pa ako sa bahay. Uyy, excuse muna ako. Tumutulong ako sa gawaing bahay eh." Tumingin siya sakin at tumawa. Anong nakakatawa dun ?? "Ikaw ?? Maglilinis ?? Impossible."

Oo nga, Impossible. "Ha?? So tingin mo sakin tamad ??"

"Eh, itsura mo palang eh."

"Aaaahhhhhhhhhhhhhhhhh" Tumalikod ako at tumakbo na.

Nakakainis! Ang ganda ng araw ko. Crush kita, alam mo yun?

Hindi na ako nag-walking. Running na. -,-

Nung malapit na ako sa bahay. "Babae, babaeng naka-blue!"

Ano ba naman!!! May pangalan ako! Di mo lang kasi alam.

"Uyy, may pupuntahan tayo"

Tinuloy ko parin ang pagtakbo pero mas mabagal na,  linagpasan ko na nga rin yung bahay kasi gusto ko lang talagang sumama. Habulin mo ako!!

"Uyy." habang pinigil niya ako at hinawakan niya yung braso ko. "Ano ba ??" kunwaring pataray kong sabi.

"Halika na. May pupuntahan tayo"

"Huwag mo akong sasaktan"

"Hindi naman talaga."

Hinila niya ako papunta sa kotse niya. Wow! Yaman.

"San ba kasi tayo pupunta?"

"Basta"

Habang nagdri-drive siya. Napakaamo ng mukha niya, sana palagi nalang siyang nagdri-drive. STOP! Ahy dito na pala kami. What? Mini Stop? Tamad naman niya. Ang lapit-lapit. Lalabas ka lang sa subdivision.

"Baba ka na. Ikaw manlilibre"

Ayoko nga. Nag-stay ako sa sasakyan at linock lahat. Buti nalang naiwan niya yung susi sa upuan. *evil smile* bahala ka sa buhay mo.

Tinok-tok niya yung bintana. "Hoyyy. Hoyyy"

Binaba ko yung bintana "Ikaw manlilibre. Ikaw nagdala sakin dito"

"Eh, Ikaw nga dapat dahil may kasalanan ka sakin."

"Akala mo naman wala ka ring kasalanan sakin."

Tinaas ko kaagad yung bintana bago pa siya makapagsalita.

Bumalik naman siya na may dala-dalang Chillz na dalawa. Yippee! Partey! Partey! Binuksan ko yung mga pintuan at pumasok siya. "Oh!" Di rin pala ako matitiis nito. *evil smile*

Papasok na kami sa subdivision. "Uyy, dito na ako"

"Hatid nalang kita sa inyo"

"Huwag na, baka malaman mo bahay namin. Alam mo na kung san mo ko haharanain"

"Assuming ka talaga. Baba ka na"

Naglakad na ako papunta sa amin. Hindi naman niya ako sinundan. Siguro bumalik narin yun sa court. Naubos ko narin yung Chillz bago dumating sa bahay.

"Anak, bakit parang antagal mo"

"Bakit ma? Namiss mo ko? Sus!"

Tumawa nalang si Mama, umakyat narin ako para manood.

Habang nanonood ako, naalala ko siya. OMG. Pangalan niya! Nakalimutan ko na naman. Pero gusto ko siya yung unang magtatanong ng pangalan ko. Kapag magkikita pa kami.

Ang weird noh, CRUSH KO YUNG TAONG DI KO ALAM ANG PANGALAN NIYA. Crush ko si Mr. Asungot and Crush ko si STRANGER.

LOVE AT FIRST SIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon