|| 6 ~
"Ma. Walang pasok. Half day ngayon, Bukas until friday, free day"
"Ano ?? Ang haba naman ng bakasyon niyo. Ang galing mo talaga mag-ibento Jessa!" pasigaw na sabi sakin ni mama
Haaay. Sabi na nga ba. Akala nila sinungaling ko.
"Wala nga talaga Ma. Kahit tawagan mo pa yung body guard dun, lahat ng staffs sa school, lahat ng estudyante. Ewan ko kung di ka pa maniwala at ewan ko rin kung may number ka sa kanila"
"Cge. Wag na. Tumulong ka sa mga gawaing bahay."
"Cge Ma. Ako pa."
Dumeretso ako sa kusina para kumain. Yess! Cupcake.
"Ma. Sinong bumili nito ??"
"Pasalubong ng kuya mo."
Wow. Mabait pala si Kuya. Kumain ako ng dalawa tapos dumeretso ako sa labas.
"Bambi ??" Asan na kaya yung asong yun ?? Baka nakikipaglandian na naman sa mga aso diyan sa labas. Mana-mana talaga sa amo.
"Arf. Arf." Ahy. Andiyan ka na pala.
Pinakain ko siya tapos kunwari naglalambing na naman sakin.
May nagawa na naman to, siguro kumain na naman ng buto. Yan kasi eh. Huwag sana palabasin.
"Ikaw. May nagawa ka na naman. Halika lakad tayo"
Kinuha ko yung tali niya tapos lumabas na kami.
"Ma. Labas lang kami ni Bambi" sigaw ko
Wait. Bili nga ako ng maiinom.
Iniwan ko muna si Bambi sa harap ng tindahan.
"Ate. C2 nga po"
"Ito."
"Thank you po"
Paglingon ko para kunin si Bambi. WALA siya. Oh no! Hindi ko nga pala siya natali. San ko siya hahanapin ??
"Bambi! Bambi!"
Para akong baliw dito na sinisigaw ang pangalan na "Bambi". Medyo weird pa naman. Nung bata kasi ako, paborito ko yung Bambi na movie, yung deer.
"Bambi!"
Ahy. Ayun yung tali. Ano ba yan !! Tumakbo pa.
"Uyy. Bambi"
Sinundan ko yung tali niya. Buti nakikita ko pa.
"Uyyy" Ano ba naman
Haaayy. Tumigil na. May nakita nanaman kasing aso.
"Bambi. Wag kang tatakbo ng ganun. Kinabahan ako"
Tumingin ako sa harap ko kung sino yung lalaki na may-ari ng aso. SIYA ?? 0_0 Nanlaki ang mga mata ko.
Hinila ko si Bambi palayo, pero ang hirap niyang hilain. Ngayon lang siya ganito ah. Naparami yata ng nakain.
"Bambi!" Ayaw niya parin. Bwisit talaga tong aso to.
Mabuhat na nga. Bubuhatin ko na sana ng biglang.
"Huwag na kasi. Huwag mong pilitin."
Ahh ?? Kailan niya pa pinakialaman desisyon ko ?? Close kami ?? Close tayo ??
"Di tayo close. Pero kawawa yang aso"
Ahy. Nakakabasa ba ng utak to ?? Kung isipin ko kayang tumatae ako.
"Hmmm. Una na kami."
"Huwag" Hinawakan niya yung kamay ko.
Ene be ?? Melenggem teye dete eh.
"Bakit mo ba ako iniiwasan ?? Magkaibigan na tayo diba?"
"Huh ?? Ako ?? O siya ??" sabay turo sa babaeng naglalakad
"Close tayo ?? Bakit mo ko tinuturo ??"
"Ahy sorry Ate. Hindi ikaw yang puno sa likod mo"
"Ahy."
Narinig ko namang tumawa tong lalaking to.
"Ohh ?? Funnny ?!" pa-slang version ko pa
"Haha. Ikaw talaga. Sorry na kasi kung naging masungit ako nung una" sabay pout niya.
Haallla. Di ko siya matatanggihan pag naka-pout siya.
"Wala ka naman talagang kasalanan sakin eh. Sino ba nagsabi? Ikaw lang yata eh."
"Galit ka sakin. Lagi mo akong iniiwasan eh. Bakit ba ??"
"Nakakatawa ka kasi eh. Lagi na lang may--"
"Ano ??"
"Excited ?? Lagi nalang may kulangot sa mukha mo" sabay tawa
"Asan ?? Tanggalin mo nga" natatarantang sabi niya
"Bakit ko tatanggalin ?? Kulangot ko ba ??"
"Kasi.."
"Haha. Jk lang. Sana nga may kulangot ka."
"Naman !! Friends na ulit tayo, ah."
"Huh ?? Ayoko nga. Di pa ko ready eh."
"Bakit kailangan pang mag-ready ??"
"Eh. Nakakainis ka naman kasi minsan."
"Huh ?? Kailan pa ?? Ikaw kaya ang nakakainis"
"Ikaw."
"Ikaw nga sabi eh"
"Hindi. Ikaw."
"Ikaw nga"
"Hindi siya nalang ulit" sabay turo ko ulit sa babae
"Bakit na naman ?? Di na nga ako nagsasalita eh"
"Hindi ulit ikaw Ate. Yung gate naman."
"Kulit mo talaga"
Wow !! Ako ?? Makulit ?? Tong lalakeng to.
"Halika na nga. Balik natin mga aso natin" sabay akbay niya sakin.
"Dont touch me. Only Safeguard touches my skin."
"Baliw ka talaga noh!"
"Punta na nga tayo" sabay akbay niya ulit sakin
"Ayoko sa bahay."
"Eh. Saan gusto mo ?? Iwan nalang dito sa kalye ??"

BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT
Teen FictionNaranasan niyo na bang ma-INLOVE ? Syempre, OO diba ?! Kahit anong oras, kahit anong araw, kahit anong buwan at kahit anong taon, hindi pumipili si kupido, dahil dadating ang lalaking mamahalin mo kahit kailan.