Yeah. Its Saturday. Ano kayang magawa ?? Ahhhh. Maglalakad nalang ako tutal tumataba narin ako, gusto ko pa namang maging fit and sexy.
"Ma. Maglalakad-lakad lang ako"
"Cge. Ingat ka."
Lumabas na ako ng bahay at nagsimula ng maglakad. Nasa subdivision kasi kami kaya iikotin ko nalang tong buong subdivision, di naman ganun kahirap lakarin. Makabili nga ng fit n right.
"Ate, Fit n Right nga po"
"Wait lang po"
Pagtingin ko sa lalaking bumibili rin. OhMyGod. Siya ang pinakagwapong nilalang ever. Aaahhh. Kahit anong oras, matutumba na siguro ako dito. Sumimangot siya sa akin. Ano namang problema nito ?? Crush niya ako ??
Binalik ko nalang ang tingin ko sa nagtitinda.
"Eto po mam" kinuha ko yung Fit n Right at nagbayad na.
Paalis na ako nang biglang naapakan ko yung paa nung lalake, hindi naman ganun kalala yung apak ko.
"Arayyyyy!!" pasigaw niyang sabi
Arte! Pasalamat ka gwapo ka.
"Ahhmm. Sorry"
"Ano ?? Sorry lang ?? Matapos nung ginawa mo sakin ??" galit niyang sabi
Woww! Best Actor. Ang arte. Parang sino !!!
"Sorry na nga. Isa pa, hindi naman masyado ah. Malayo pa yan sa bituka"
"Kahit na. Gamutin mo to. Baka may damage."
Wow! Di naman nasugatan.
"Wala pa nga ni isang scratch, kahit magnifying glass pa gamitin mo para makita mo kung may damage yang paa mo, wala kang makikita." Tumalikod na ko at naglakad papalayo.
"Hoy babae !!!!"
Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang paglalakad. Papansinin kita kung may karugtong na maganda "babaeng maganda".
"At san ka pupunta ??"
Walang hiya tong lalakeng to, nasa likod ko na pala.
"Hoyyy! Sinusundan mo ba ako ??"
"Hindi. At bakit naman kita susundan ?? Tandaan mo may kasalanan ka pa sakin, 1st, inunahan mo ako sa tindahan and 2nd, inapakan mo pa paa ko."
"Eh. Hindi ko nga sinasadya!! Huwag mo na akong sundan, huh. Alam ko namang crush mo ko eh!!!" pang-aasar ko..
"Yukkk. Feeler." Tapos umalis na siya.
Gwapo nga pangit naman ang ugali.
Naglakad ako sa buong subdivision, first time kong makita tong mga bahay dito. Ang lalaki, lalo na yung isa. First time ko ring makita yung court. Di naman kasi ako masyado dito.
Whoo. Ulitin ko to next Saturday / bukas ?? Bahala na.
At naabutan ko sila sa bahay na nanonood ng CARTOONS???!! What ?? May bata pa ba dito ??
"Ma. Anyare ?? Nanganak ka ba ulit ??"
"Ano ba Anak, nakakatawa nga eh." sabay tawa ni Mama
?????
Umakyat na ako sa taas. Hmm ?? May lahi yata kaming pagkabaliw.
Nag-flashback sakin yung mga nangyari kanina. Walang hiyang lalaking yun. Kung di lang talaga siya gwapo, sinapak ko na. Bwisit! Panira ng araw. Sayang SNOB lang kasi siya, CRUSH ko na sana. Gwapo, maputi, matangkad, pweee ung ugali pangit. Ewan ko lang kung ano pang nakakabilib dun sa taong yun. Ma-stalk nga ang facebook niya. Wait, may facebook ba siya ??!! Tignan ko nalang. Pag-open ko nang facebook. Ahy. Tanga. Anong pangalan niya ??? Logout ulit.
Hindi ko man lang natanong kanina. Humiga ako at nagpatugtog ng kanta. Sana maging close kami at sana ako ang dahilan ng pagkabago ng ugali niya. Ahy. Feeler ko talaga. Sapakin ko kaya sarili ko ?? Para matauhan ako. Bukas kaya ulit / next saturday. Pano kung makita ko ulit yung asungot na yun ?? Hindi naman siguro, baka natiempohan ko lang.
Ano kayang matatawag ko sa kanya ??
> Mr. Dream Boy - pwee. dream boy ko ba siya ??
> Mr. Paa - haha. mukha kasi siyang paa, pero huwag yun
> Mr. ASUNGOT - gaya ng sabi ko kanina, asungot siya! Bagay sa kanya!!
Na-Love At First Sight ako kay MR. ASUNGOT. Astig!!
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT
Teen FictionNaranasan niyo na bang ma-INLOVE ? Syempre, OO diba ?! Kahit anong oras, kahit anong araw, kahit anong buwan at kahit anong taon, hindi pumipili si kupido, dahil dadating ang lalaking mamahalin mo kahit kailan.