CHAPTER TWO

2 0 0
                                    

|| 2 ~

"Jesssssssaaaaaaaaaaa. Jessssssssaaaaa."

Ano ba namang alarm clock yan, makasabi ng pangalan ko, wagas. Wait !! Pano nasabi nung alarm clock yung pangalan ko ?? Binuksan ko ang mga mata ko at papatayin sana yung alarm clock pero nagulat ako nung nakapatay pala. Tumingin ako sa pintuan at nakita ko dun si Mama. Anu ba naman si Mama, gawin ba namang alarm clock yung boses.

"Ma, ba't ikaw yung nag-alarm ?? Hindi to!" sabay turo ko sa alarm clock

"Hindi ka nagising. Hindi ba obvious ??"

"Ok."

Dumeretso ako sa kusina at kumain. Deretso sa banyo, naligo at nagtoothbrush. Tapos deretso sa closet, nagpalit. Tapos nagsapatos. Tapos nagpaganda. Wow, huh, nagtuturo ba ako ng mga steps bago pumuntang school ?!

Ahy, Oo, tamad ako pero ewan ko kung bakit ako nag-ready agad.

"Ma. Naka-ready na po ba yung sasakyan ??"

"Oo. Punta ka na."

"Cge ma. Bye" sabay humalik sa pingi niya

Habang papunta sa sasakyan, nadaanan ko naman si Kuya.

"Kuya, una na ako"

"Cge." sabay gulo sa buhok ko

"Kuya naman, eh" sigaw ko sa kanya

Ano ba yan !!! Ang ganda ng buhok ko kanina, parang nagpaparlor. Tapos ngayon, susuklayin ko ulit ??

"Haha. Punta ka na nga dun"

Sumakay ako sa sasakyan. Hindi naman ganun kalayo yung school namin. Mga 3 mins. lang galing sa bahay, andun ka na.

At andiyan na nga, nakikita ko na yung "Holy Angels Academy"

Haay, Holy Angels yung pangalan ng school namin, devil naman kaming mga estudyante. Pero minsan naman, mabait rin kami. Pagbaba ko ng sasakyan, ayan sumalubong sakin si Glezel.

"Yess. Pumasok ka."

"Sino ba kasing nagsabi na hindi ako papasok?"

"Wala. Eh, syempre minsan tamad ka"

"Ipagsigawan mo pa, kailangan pa ng mike?"

Tumawa nalang siya. Pumasok na kami sa classroom at magkatabi kami. Wala pa naman si Miss kaya nag-ingay pa kami. Ingay, Ingay everywhere, wave your hands up in the air.

Wow, ang tagal namang tumae ng teacher namin. Di joke lang. Asan na ba siya ?? Siguro nakahanap ng kadate. Yung teacher kasi naming yun, ang tanda na wala pa ring boyfriend. Talo pa ng mga estudyante dito. Pero AKO ?? Syempre hindi, nag-aaral ako sa WALANG BOYFRIEND MULA KAPANGANAKAN AT MEDYO MALANDI PAGDATING SA GWAPONG BOYS UNIVERSITY at ako ang presidente dito. Haba naman ng pangalan ng school namin.

"Riiiiiiiiinnnnngg.. Riiiiiiinnnnnnng."

Oh, Recess na, wala pa kaming naging teacher sa 2 subjects. Nagdaldalan lang.

"Libre ko na" Glezel

May nakain kaya to ??

"Cge, Sprite at hamburger sakin."

"Oph. Kung sino kang makapag-utos. Ikaw bumili, ako manlilibre"

"Ako nalang manlilibre."

"Hindi, ako ang nauna."

Hindi na ako tumanggi. Ano ba yan !! Haba ng pila. Pumila ako at 2 mins. lang naman.

"Ate dalawang Sprite at dalawang hamburger"

Whooo! Tapos na rin ang paghihirap, ang hirap pa naman pumila, lalo na sumisiksik yung iba. Nakakamatay pa naman amoy nila.

Pagkatapos ng recess, balik ulit sa classroom. Ayunn, meron na kaming teacher. Nakakabwisit nga ang boring niya magturo. Kawawa nalang yung mga taong nasa harapan, dahil tiyak, naligo na yung mga yun sa laway.

LOVE AT FIRST SIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon