Chapter 20: Marco Mendoza, kontrabida?
--- Kylie's POV ---
Hey guys! Na miss niyo ba ko? Ako, na miss ko kayo. Grabe ang tagal din nating hindi nagkita/nagkausap. Ang tamad tamad naman kasi ng author ko..
(a/n: ehem)
Masyadong in-enjoy ang bakasyon.
(a/n: e-e-e-ehem)
So, anyway, nandito ako ngayon sa cafeteria, hinhintay si Jackie-beps.
Ang tagal niya ha! Aissh.
"u-uhm. Kylie, pwede maki-upo?" may nagtanong.. Pagtingin ko kung sino, si Marco pala. Oh wait, si Marco! Si Marco Mendoza ex! Este, ex-crush. Ano naman kayang kailangan ng gwapong to?
"yeah.. Sure." sabi ko sabay ngiti. Enebe ang gwapo niya.
"thanks. Sinong hinihintay mo? Ba't mag-isa ka lang?" tanong ni Marco.
"ahh.. Ehh.. Si Jackie. Ang tagal niya nga eh. Kanina pa'ko dito." ma-itext nga si Jackie..
"ah Marco, salamat nga pala dito." sabay turo ko sa dog phone chain na binigay niya nung Valentine's Day.
"ha?" nagtatakang tanong niya.
"nung Valentine's, di ba sa'yo galing to?"
--- Marco's POV ---
Ha? Nung Valentine's Day? Wala naman akong----
Ahhh! Si Luigi talaga. Ginamit pa'ko. Tsk.
Yep guys! Kung akala niyong kontrabida ako sa storyang ito, tama kayo! Akala niyo lang yun. Haha!
Actually, Luigi is my 1st cousin. I'm 2 years older than him. I'm just doing this favor for him. Na pumasok sa kanilang NSTP class, kahit di maman ako enrolled sa subject na yun dahil tapos ko na yun. Pero dahil malakas ako sa mga teachers dito, eh sa gwapo ako eh, pumapasok ako kung gusto ko.
Well, ano nga bang favor ang hinihingi ni Luigi from me? Iyon ay kilalanin si Kylie Isabel Montenegro, ang seatmate niya na doppelganger ng yum---
"Hey Marco! Earth to Marco!" sigaw ni Kylie.
"Sorry. May naalala lng." palusot ko.
"So, where are we? Ah oo nga, di'ba sayo galing to?" tanong niya.
"Ah yep! Cute, isn't it? Nagustuhan mo ba?"
"Oo! Super! Pano mo nalaman na I love dogs?"
1 point. Iba tong si Kylie kumpara din sa isa, takot sa aso yun eh kahit stuffed toys ma aso, ayaw niya.
"Marco, kaano-ano mo si Luigi?" tanong niya. Ano, sasabihin ko bansa kanya ma pinsan ko yung kumag na yun?
--- Kylie's POV ---
"Well, he's my 1st cousin. Obviously, father side." OMG! So cousins nga talaga sila ni Luigi.
Nagkwentuhan lang kami hanggang dumating si Jackie.
Mabait itong si Marco, gwapo din. Haha!
Matinik sa babae. Lahat ata ng banaeng dumadaan eh "babe" ang tawag niy. Mga upper years pa yun. Ay! Ahead nga pala siya ng two years. Binalikan niya lang ang NsTP dahil di niya nakuha dati, sabi niya.
Madami-dami din kaming napag-usapan. Ngunit di pa rin nasasagot ang mga katanungan sa isip ko...
Bakit ayaw ni Luigi sa ihip-bangs?
Sino ang naaalala niya dito?
Ano ang nangyari dati na naka apekto kung ano man ngayon si Luigi?
Bakit may lungkot sa kanyang mga mata?
May kinalaman ba to kay Alyanna?
Pero, sino si Alyanna?
---------------------------
A/n: hey guys! Long time no update. Sorry ha, tamad author eh. Haha. Peace. :)
kung nababasa mo pa to, thanks ha! Thanks sa patuloy na paghihintay at pagbabasa ng story ko.
Anyway, ohhh diba! Hindi naman pala kontrabida si Marco eh. Bwahahaha.
Sino ba yang Alyannang yan? Tss. Excited na'ko! Haha!
Comment, Vote and be a fan na din. hihihi.
Thank You!
XOXO

BINABASA MO ANG
NO REGRETS, JUST LOVE.
Teen FictionPano pag naging kayo ng super crush mo? Then nung okay na ang lahat, bumalik naman ang childhood sweetheart mo? Torn between two lovers ba ang drama? O sadyang one-sided lang talaga? Never regret anything because at one point, it was exactly what...