Chapter 23: Time Flies

238 5 3
                                    

Chapter 23: time flies

KYLIT's POV

Tapos na ang School year! yay! summer break na at marami na ring nangyari. As in marami na talaga. Oo ganun ka bilis. Basta ikwekwento ko na lang sa inyo sa mga susunod na araw yung mga importanteng nangyari. Pro eto muna..

Guess what? Barkada na namin sina Luigi my loves at sina Sean. Oo! Masaya naman ang grupo, na ngayo'y tinatawag naming Sean and Co. Si Sean daw kasi ang leader namin.

Nakakatawa no? Nagsiula sa asaran, ngayon naging magkaka-ibigan.

Pero ang pinaka unexpected sa lahat, ay si Angela na at si Brian! Oo! Mag jowa na ang dalawa. Ni hindi nga namin alam na nagkikita yung dalawang yun eh. Hayaan niyo.. Kukulitin ko si Angela na ikwento kung paano. Hahaha.

As for me and Luigi my loves? Kami na! De jk! Normal ang buhay.. we became best of friends.. Okay na ako sa kung anong meron kami ngayon. He's like a big brother to me na din. Oo, crush ko pa din siya, pero yun na lang yun. Hanggang dun na lang yun.

Si Sean at Jackie naman..

Teka, nasan na nga ba si Jackie?

"San si beps?" tanong k okay Luigi na busy sa paglalaro ng NBA 2k13.

"Yun oh, may kausap sa phone." Sagot niya sabay "Pakshet! 2 points! 2 points! 2 points! Tss. Sayang!"

"Ayy ewan ko sayo!" sigaw ko sa kanya. Haha. Parang bata lang.

Nandito nga pala kami kina Sean. Wala lang tambay lang.

"Baby girl, pupunta ba sina Angela?" tanong ni Sean. Oo! Baby girl ang tawag niya sakin. Kulit nga eh!

"Ehh! Wag mo nga kasi akong tawaging ganyan! Kylits, yun na lang." sabi ko. Sabay batok sa kanya.

"Ano ka ba! Baby girl. Ang cute nga eh. So ano nga, pupunta ba sila?" tanong ulit niya.

"Ayy ewan ko sayo! Tawagan mo kaya?"

"Uy beps!" tawag ko kay Jackie. Sumenyas naman siya na wait lang.

"Hayy ganun ba? Ah sige2x. Kita na lang tayo bukas? Sige po babe. Ingat kayo ah? Love you. Bye!" (Jackie on Phone convo)

"Si Carl?" tanong ko. She nodded.

"Di na naman makakapunta." Sabay naming sabi. Ganun naman yun palagi eh. Busy daw. Busy. Ay ewan!

"Alam mo beps, iba na naman pakiram-------"

"Ano ka ba! Malay mo busy lang yung tao. Tsaka...." Sabi ko sabay sulpot ni Sean..

"May ibang babae na yon!" sigaw niya.

"Nako Sean! Tigil tigilan mo nga si Jackie! Malilintikan ka sa'kin." Sabi ko sabay death glare kay Sean.

"Ikaw naman baby girl. Binibiro lang eh!" sigaw pa niya.

"Uhm.. ano beps, blueberry cheesecake tayo? Java chip or Milk tea? Ano?" tanong ko kay Jackie.

"Venti Mocha frappe will do." Sagot naman niya.

"Akin strawberry and cream!" sabi naman ni Luigi. Nakz. Naging fave niya na rin ang strawberry ah.

"Taraguys! SB tayo?" tanong ko sa kanila.

"Count me in. Tapusin ko lang to." Sabi ni Luigi.

"Ako din." Sabi naman ni Sean.

So dahil coding sasakyan ni Jackie at Luigi, kay Sean na lang. hoho! Kahit na di ako payagan ni Mama na gamitin kotse, okay lang. Dami kong driver oh. Haha.

NO REGRETS, JUST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon