Prologue
Naranasan niyo na bang mapalayas? Tapos habang naglalakad ka sa village niyo bigla kang dukutin ng gwapong leader ng sindikato at sabihing papakasalan ka niya at handa siyang panagutan ka?
Well, kung naranasan niyo na, edi masuwerte kayo. Ako kasi hindi pa eh, ano bang feeling?
Ang totoo kasing nangyari saakin, ay karumaldumal pa sa karumaldumal na pagkaubos ng pagkain sa ref niyo sa bahay at mas lalong karumaldumal sa pagkapayat ni Dumbo.
Mapadpad ba naman ako sa isang galaxy na may nakatirang baliw na alien? Tapos guwapo pa. Kaya lang, mayabang at mukhang pera. Pero guwapo nga.
Tapos, makikitira ako sakaniya dahil sa gusto ni author--este dahil lumayas--pinalayas nga ako?
Ano nalang mangyayari to me?
"babaeng mukhang utot ng kabayo! Maghugas ka na ng plato! Ano ka dito? Amo ko?" utos ni Alien na feeling boss ko.
Isa lang iyan sa mga ugali niya, puro siya utos. Ultimo pagligo niya ata gusto niyang ako pa gumawa. Sarap lang niya ipasagasa sa nag-eespalto sa mga daan.
"opo, prinsipeng mukhang tae ng kabayo." sagot ko.
"sumasagot ka na?" nakataas ang kilay na tanong niya habang prenteng nakaupo sa sofa.
Inirapan ko siya at naglakad papunta sa kusina para maghugas ng pinagkainan KO.
"hindi ako sumasagot, kumakanta ako actually. Ba't naman kasi ako sasagot? Exam ba 'to?" sarcastic kong sabi.
Hayy. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang mabuhay dito kasama ang alien na sa kasamaang palad ay nahulog mula rito at itinadhana atang inisin ako buong buhay ko.
A/N: Panibagong kaabalahan ko pero alam kong ikasasaya ko naman :)
Have a nice day.
BINABASA MO ANG
Lost In The Alien's Galaxy
Romance"I love you, to our own galaxy and back." - Ali Yen © Copyright 2018 by Mary Joy Mungcal (majhie_mungz)