The Astral Story 2-3

206 10 0
                                    

The Astral Story 2-3

Ashton

NANG MATAPOS na ang buong klase sa umaga't hapon ay umuwi na ako sa bahay. Inis na inis ako sa sarili ko dahil patuloy ko pa 'rin na iisip 'yug babaeng panget na nakasalubong ko sa pag a-astral projection ko. Ni isa ay hindi ko man lang tinanong pangalan niya o nag a-astral projection ba siya o kaya namab ay engkanto siya.

Mahina talaga ako pagdating sa chx, kaya 'yung pinsan kong maraming kurso tinutukso ako niyan, e kasi raw dami ng jowa. Tapos 'yung jowa niya mukhang jejemon naman tapos japrox ang pananamit. Naka plain cap pa tapos naka-spaghetti na may varsity jacket, idagdag mo pa 'yung suot niyang pajama saka naka tsinelas. Gano'n 'yung gusto ng pinsan ko, galing niyang mamili.

Eksaktong pag uwi ko sa bahay ay nakita ko 'yung tiyahin kong nag to-tong-its sa labas. Tinaya niya naman siguro 'yung pera ni nanay tapos pag maubos naman sa akin hihingi ng pantaya sa lotto pati para sa tong-its. Pag na ubusan naman ako ng pera binabantaan niya akong apdo ko raw ang itataya niya. Mas bagay siguro pag utak niya na lang kaya itataya niya? Ay sandali, wala pala siya no'n.

"Nang diyan ka na pala ang magaling kong pamangkin!" ngisi niya sa akin habang naglalaro, "Saan ka na naman ba gumala, ha?"

Umiling ako, "Umuwi po ako ng diretso."

"Ay very good, dahil diyan... magluluto ka na dahil mayamaya ay dadating na 'yung Kuya mo," ngumiti siya, "Sige na, ipagluluto mo na siya."

"Pagod ho ako," simple kong sagot.

Huminto siya sa paglalaro at hinampas ang lamesa, kaya na distorbo naman 'yung mga kumare niyang tsismosa sa paglalaro ng tong-its.

"Dahan-dahan naman sa pagdadabog, Lukresia! Masisira ang ayos ng bahara namin, o! Pambihira naman!" pagreklamo ng isang plastik namin na kapitbahay.

"Ikaw, ha?" tinuro ako ni tiyang "Pinapakain ka namin ng maayos dito tapos ni isa hindi mo paglulutuan ang Kuya mo? Ano? Asal rebelde ka na ba?"

Blah. Blah. Blah. Hindi na ako sasagot sa mga pinagsasabi niya kasi no'ng isang araw nagluto ako para kay Kuya na pinsan ko tapos sinabihan niya akong hindi ako nagluto, na siya raw lahat kumikilos sa bahay. Pati nga panlaba gusto pa iutos sa aso namin, buwisit lang.

"Tapos ano? Hindi ka na aaral? Ganyan ba tinuro sa 'yo ng guro niyo kaya ang bastos ng asal mo sa tiyahin mo?" dagdag niya pa "Nakikitira ka na lang nga sa amin, tamad ka pang mag trabaho? Kasi iyan, puro ka gala-gala, puro jamming sa barkada!"

"E, ano na lang kaya 'yang anak mo, Lukresia? Puro pambubulakbol sa gym? Ang sakit mo namang magsalita sa pamangkin mo!" sabi pa ng isa sa mga kalarog plastikan ni tiyang.

"Tumahimik ka diyan, Linda! Ma-li-lintikan ka sa akin mamaya, tatalunin kita sa tong-its!" tinuro niya ang kaplastikan niya saka ako hinarap, "Buwisit naman na buhay 'to, Ashton! Gayahin mo naman ang Kuya mo, maraming pinipiliang kurso saka nakapagtapos na siya ng high school. Ikaw? Grade 10 ka pa lang!"

"O, e tapos kung nakapagtapos siya no'ng high school? Dami nga kurso pero ni isa walang tinapos 'yang anak mo, Lukresia!" dagdag pa ni Aling Linda sabay tawa.

Hindi na pinansin ni Tiyang ang beshy niya kasi sa akin na siya nakatuon ng pansin. Kaya mahal na mahal ko 'tong si Tiyang, e kasi na sa akin lahat ng atensyon niya. Ang kyot mo tiyang, sarap mo tirisin. Hehe.

"Magluto ka na! Sarapan mo naman hindi katulad no'ng isang araw na sobrang asim ng sinigang mo!" huli niyang sinabi sa akin bago siya bumalik sa paglalaro ng tong-its.

Sana sa oras na 'to ay tulog ako at nag a-astral projection, para naman takasan ko ang banat Tiyang na halos trenta minutos na ang banat. Subukan niya kayang sumali sa fliptop baka matalo niya pa sila Zaito, Abra, Sinio, Bassilyo o kaya naman ratratan niya si Lil Sisa baka sakaling manalo siya? Para naman may kuwenta siya sa buhay ko, hindi 'yung pangsusugal lang.

The Astral StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon