The Astral Story 3-3

255 11 8
                                    

The Astral Story 3-3

Ashton

NATAPOS na ang Christmas party namin no'ng isang araw lang ginanap sa gymnasium ng school. Medyo hindi ako nasang-ayon sa natanggap kong pang grade 1 na notebook tapos isang towel, ang kyot ng nag regalo sa akin nito. Kyot niya talaga, pramis.

Pero kahit papaano ay nabawi naman 'yung mga ngiti ko dahil sa kanya. Kung gusto ko ng regalo ay malamang siya na dapat ang ibalot niyo– si Snow. Kaya habang no'ng Christmas party namin, do'n ako nag a-astral projection sa may itaas na bahagi ng bleachers. Nag astral projection ako sa lunch time pagkatapos kong kumain para lang makita ulit ang pangalawang mag reregalo sa akin ng isang ngiti.

Napagkasunduan rin namin ni Snow na sabay kaming mag ce-celebrate sa araw ng bisperas ng pasko. Kaya inayos ko ang pang suot kong damit para naman maayos 'yung pananamit ko pag kaharap ko na si Snow.

Nang magsimula na ako sa pag a-asttal projection ko ay lumusot ako sa pinto ng kuwarto ko hanggang sa labas ng bahay namin. Mukhang naghihintay sa may pinto si Snow kaya napangiti na lang ako nang ngumiti siya sa akin. Gano'n pa rin naman 'yung suot ng damit niya, hindi naman nakakasawang tingnan kasi ang cute niya sa pananamit niya.

"Hindi ko feel 'yung Christmas," wika niya nang makapasok na kami sa napakalaking Christmas village sa siyudad.

"Bakit naman hindi mo feel?" na-iilang kong tanong sa kanya.

Yumuko siya habang naglalakad, "Syempre, wala 'yung parents mo sa tabi mo, e. Puro kalungkutan lang 'yung na iisip ko. Mas maganda kasi pag kasama mo 'yung mga magulang mo mag ce-celebrate sa bisperas ng pasko."

Tumango-tango ako habang tumitingin sa kanya bago tumingin sa malayo. Habang naglalakad kami, may nakita ako sa gilid ng daan na may statwang sa kapanganakan ni Hesus. Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil rin siya at hinarap namin ang statwa.

"Mabuti pa Jesus, kumpleto 'yung pamilya niya sa kapanganakan niya." wika ko, "Samantala ako, mga 2 years old pa lang ako iniwan na ako ng nanay ko para mag abroad at iniwan sa tiyahin ko't tatay."

"Mabuti nga sa 'yo, e nag stay ng 2 years para alagaan ka. E, ako naman no'ng pinanganak ako, wala si Dad. Tapos sinakripisyo lang ni Mom lahat ng hirap na wala si Dad," pagki-kuwento niya rin, "Bakit kaya ang malas natin sa pamilya, 'no?"

Napaisip rin ako, "Sa tingin ko, hindi 'yun malas. Kasi blessing 'yun. May plano 'yung Diyos sa buhay natin, e. Siguro busy pa siya sa pagsusulat sa future natin."

"N-Natin?" pansin kong lumingon siya sa gilid ko kaya tumingin rin ako sa kanya.

"N-Na namumula ka yata?" tanong ko.

Hinawakan niya na naman ulit ang magkabilang pisngi niya like last time. Hindi ko alam kung bakit siya namumula sa tuwing may pinagsasabi ako. Tapos bigla-bigla na lang siyang iiwas ng tingin tapos tatalikod.

"M-May masama na naman ba akong nasabi sa 'yo? Galit ka ba?" dagdag ko pa.

Umiling-iling siya, "W-Wala. Sige na, malapit nang mag 12:00 PM, ipagpatuloy na natin ang paglilibot sa Christmas village."

Tapos humarap siya sa akin at hinila ang kamay ko. Kaya napasunod na lang ako sa kanya habang naglalakad siya.

Tapos may nakita na naman siyang mga snow man na gawa sa puting christmas lights kaya napangiti siya at tumigil na naman kami sa paglalakad.

"Kung may camera lang sana ako tapos magkakaroon na sana tayo ng memories, 'no?" wika niya.

"Bakit kailangan mo pa ng camera kung puwede naman aalahanin? Di ba memories din naman ang tawag no'n?" sagot ko.

The Astral StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon