Chapter 1

11 1 0
                                    

Year started 2012
Chapter 1

First Day of School, 4th year high School na ko. Suot ang bagong tshirt na nabili sa Whatever. Oo di ako fashionista oks na sakin ang tshirt at maong with matching converse. Di rin ako kilos babae. Pero dont get me wrong di ako tomboy. Mahaba ang buhok ko na rebonded kulot kasi ang lola niyo. 5flat ang height chubby with fair skin.

Dumating ang Bestfriend ko na si kael.

"Hoy Mikael Santos, bakit ngayon kalang? Usapan natin diba 6:30am nasa school na tayo?" Sabi ko sa kanya ,may usapan kasi kami na 6:30 am nasa school na kami para makapagkwentuhan saglit. Ambabaw no. Hahaha

"sorry bes natraffic ako." Sabi niya

"Natraffic? Agang aga?" Pagtataray ko.

"Oo natraffic ako sa kama. Hahaha nakatulog ulet ako. Sorry na! " sabi niya.

"Kow e kasi sabihin mo......" Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi sumabat na siya

"Oo na oo na ililibre na kita sa canteen mamaya happy?" Sabay ngiti.

"Okay. " pang iisnob ko

"Sus sabi na e basta nasabi ko ang magic word tapos ang usapan e." Sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

"Ano ba? Ang gulo mo! " sabi ko.

Best Friend kami nan since 1st year.

-FLASHBACK-

1st year kami non nasa unahan ko siya nakaupo 3 columns kasi kami sa classroom. Sa left side girls sa middle boys and sa right side mga girls ulet. 10 lang ang boys samin and 30+ kaming girls thats why nasa gitna sila. At sa pagkamalas malas dun ako sa pinakadulong upuan ng mga boys nakaupo kasi wala ng space dun sa left and right girls. Actually dalwa kaming babae na napaupo sa dulo pero wala kaming katabing boys. Naging kaibigan ko din yung seatmate ko na yun na si junie.

Nasa unahan ko si kael non at sobrang tahimik. Gwapo siya madaming may gusto sa kanya. Nung isang beses may 3rd yr high school na kapitbahay namen ang dumaan sa classroom namin at gustong hingiin number ni kael. Talande siya madami na siyang naging exes. Pero ginawa ko rin anyway.

Kinulbit ko si kael at tumingin siya sakin di ko alam kung matatawa ba ko o ano kasi nakapoker face ang muka niya as in. Di man lang nagtaas ng kilay or something kung bakit ko siya kinulbit as in wala humarap lang siya na walang emotion ang muka and i find it really funny.

"Ano kasi may gustong kumuha ng no. mo yung 3rd year." Sabi ko ng nakangiti.

Umiling lang siya at tumalikod na ulet sakin. Bakla ba siya? Hahahaha simula non
Lagi ko na siyang kinukulbit o kaya tinatawag pag malungkot ako kasi napapatawa talaga ko ng poker face niya.

" bakit mo ba ko kinukulbit lagi ha?" tanong niya sakin nung 2nd year high school na kami.

"Isa itong malaking sekreto hahahahahahahaha bes wag ka ng magtanong" sabi ko

"Chaka pagtinatawag mo ko wala ka namang sinasabe tinatawaan mo lang ako may mali ba sa muka ko? Tsaka bes? Bestfriend ba tayo?" Tanong niya medyo inis

"Bwahahahahahahahahahaha. Walang mali sa muka mo. Oo bestfriend na tayo nung first year palang one sided nga lang kasi di mo pala ko tinetreat as bff kasi ikaw bff na kita 1st year palang kasi natutuwa ako sayo napapasaya mo ko lagi kahit wala ka naman ginagawa kaya simula ngayon bff na tayo ha? "
Sabi ko sabay pitik sa ilong niya.

"Uhhhh sige na nga. Pero explain mo muna kung bat ka natatawa skin? " sabi niya

"Kasi laging nakapokerface yang pagmumuka mo! " bulong ko sa kanya.

Bridge of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon